Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gym ni Daquis nilait ng barako

0 158

TRENDING ngayon sa social media ang umano’y panlalait ng isang kilalang ‘motivational speaker-gym owner’ kay volleybelle Rachel Anne Daquis.

Sa kumalat na post ay lumalabas na binatikos ng speaker na si Rendon Labador ang gym ni Cignal HD Spiker na RAD Fitness Philippines at pinasaringang `cheap’ at `low-class’ lang ito.

Ebidensiya ang nasabing pang-iismol ni Rendon mula sa screen capture ni social media comedian influencer ‘Sir Jack Show’.

“Cheap,” banat sa gym ni Queen Tamaraw Daquis. “Yung investment nila all in ay CR lang ntin.”

“Yan na worth ng buong gym sila,” nakadetalyeng mensahe nito sabay send ng litrato habang pinagmamayabang umano ang sariling CR.

Kalat na ngayon sa social media ang pangalan ng nasabing ‘gym owner’ kung saan inulan din ito ng batikos mula sa mga netizen.

Sa kabila naman ng sinasabing ‘pangungutya’ ay nanatiling tikom ang bibig ng 33-anyos na balibolista. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.