Una sa Balita

Gwen Zamora nilantad na ang pagbubuntis

0 327

abante-anything-goes-jun-lalinInamin na ng mag-sweethearts na sina Gwen Zamora at David Semerad ang pagbubuntis ng una. Actually, hindi na nila itinatago pati ang paglaki ng tiyan ng aktres.

Sabi ng isang malapit kay Gwen, more than four months na raw ang ipinagbubuntis ng aktres. On Monday nga raw, magpi-pictorial pa sina Gwen and David to document ang pagbubuntis ng aktres.

Sa May 10 ay may announcement party sina Gwen at David at gagawin ‘yon sa isang hotel sa may Quezon City. Ano-ano kaya ang mga ia-announce nila?

Darating nga pala ang pa­rents ni David from Australia para sa special event na ‘yon.

Darating din siyempre sa event na ‘yon ang twin-brother ni David na si Anthony Se­merad, pati na rin ang girlfriend nito na si Sam Pinto.

Sexy actress buking sa masamang ugali

Tapos na raw ang contract ng sexy actress sa kanyang management company, pero hindi pa raw niya makuha-kuha ang kanyang release paper. Binibitin daw ‘yon ng kanyang management company dahil nabuking nila na nakikipag-usap na pala si sexy actress sa ibang management company kahit hindi pa naman natatapos ang kanilang contract.

Eh, may option pa yata ang management company ni sexy actress for renewal, kaya need pa niya ang release paper para makapagpa-manage sa iba.

May isang manager nga na malapit kay sexy actress ang tinanong ko kung bakit hindi na lang siya ang mag-manage kay sexy actress, pero ang sabi niya, “Ayokong ma-bad shot kay Boss (name ng big boss ng management company ni sexy actress) dahil bad shot na si (name ni sexy actress) dahil nabuking nga siya noon na nakikipag-negotiate sa ibang manager!”

Well…

Barbie, Mika susugod sa Bulacan

Maganda ang feedback sa fantaserye nila na “Kara Mia,” kaya naman ganado sa pagpo-promote ang lead stars na sina Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto at Paul Salas.

Sa Sunday nga, pangu­ngunahan nilang apat ang mall show ng “Kara Mia” cast sa Star Mall sa San Jose del Monte, Bulacan ng 4:00PM.

Kasama rin sa mall show ng “Kara Mia” ang JBK Trio nina Joshua, Bryan and Kim na ma­tindi na raw ang followers.

Tinitilian na rin kasi ng Kapuso fans ang JBK Trio, kaya naman madalas na isama na sila sa mall shows ng GMA-7, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy