Una sa Balita

Gwen Stefani walang inaatrasang beauty pageant

By
0 217

Ang 21 years old na si Gwen Stefani Ular ang candidate No. 6 ng Abante Babe Ganda Mo, Teh! Graduate ng BS Tourism Management sa UE Manila.

Si Gwen ay may katawang pang-beauty queen sa sukat na 34-25-36 at sa height na 5’5”. Mahilig siyang mag-swimming, malling at modeling.

Beterana nang maituturing si Gwen dahil walang inaatrasan, mapa-local at national beauty pageant dahil reigning Bb. Taytay siya, naging Reyna ng Hamaka, Teens Philippines 2015, Miss Muzon 1st runner-up at sumali rin siya sa Miss Tourism Philippines at Miss Philippines.

Si Gwen ay rumaraket ding talent artist, sa katunayan nakalabas na siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, “Victor Magtanggol” at maging sa pelikulang “I’m Ellenya L.”.

Pero, ano nga ba ang meron siya na wala ang ibang kandidata sa Abante Babe, Ganda Mo, Teh?

“I think my advantage is my personality, kasi if you know yourself, kaya mo siyang i-present eh. As long as ipinapakita mo kung ano ka talaga. Kasi sa mga pageant talaga o sa mga ganitong competition, kailangan magpakatotoo ka lang sa sarili mo.”

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, biodata sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin ang article na ito (Gwen Stefani Ular, Abante Babe #6, 70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante TONITE na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang iba pang larawan ni Gwen Stefani Ular, dumalaw sa website na www.abante.com.ph.