Una sa Balita

Gwen, sigurado na sa ‘kasal’ kay Jeremy!

0 135
alex-sunshine
Alex Castro at Sunshine Garcia

Kung meron mang inlababo sa Banana Sundae cast ng ABS-CBN 2, ‘yun ay ang dancer-turned comedienne na si Sunshine Garcia. Kasama ni Sunshine ang boyfriend na si Alex Castro sa London.

May show ang aktres sa isang bar sa London at ang boyfriend ang napili niyang isama.

Makikita sa mga posts ni Sunshine sa kanyang Instagram account ang pagrampa agad nila sa London sa unang araw pa lang nila roon.

“Day 1 going to London umpisahan na ang gala with my travel partner. Summer daw halos mabasag ang ilong ko sa lamig o ‘di lang kami sanay.”

Lantaran na nga ang relasyon ng dalawa at hindi naman nila ito itinatago talaga. Nakita nga namin silang da­lawa sa Gateway na namimili.

Very expressive si Sunshine sa kanyang pag-ibig kay Alex. Nag-post pa ito ng picture sa IG niya na isinulat sa buhangin ang salitang ‘I love u Alex.’

Nu’ng manalo bilang board member ng Bulacan si Alex, nanguna si Sunshine sa pagbati sa kasintahan at pagpapasalamat sa mga bumoto rito. Hindi pa man kasal ang dalawa, ‘Hub ’ o ‘hubby’ na agad ang tawag ni Sunshine kay Alex, na pinaikling ‘husband’.

Gaya ni Gwen Zamora na tumulong din sa kampanya ni Jeremy Marquez, tumulong din si Sunshine sa kampanya noon ni Alex sa Bulacan.

Si Gwen ay sigurado na sa kasal kay Jeremy, samantalang wala pang nanga­ngamoy na wedding proposal para kina Alex at Sunshine.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy