Una sa Balita

Gwen gustong ipatigil ang paglaki ni Cooper

0 344

Kahapon ay kapalitan ko ng text message si Gwen Zamora at kinukumusta ko ang kalagayan niya after ipanganak niya si Baby Cooper, ang panganay nila ng fiancé niyang PBA player na si David Semerad.

Wala ba siyang postpartum depression na karaniwang pinagdadaanan ng ibang mga nanganganak?

“I feel good naman, healing well, less painful day by day. No postpartum naman, i have a good support system kasi and sakto David is on holiday, so he’s there every step of the way,” sabi ni Gwen.

Bale 10 days pa raw na walang practice si David para sa PBA team nito, kaya sobrang enjoy raw sila na magkakasama ni Baby Cooper.

And how’s the baby?

“Baby is good, growing so fast. Huhuhu. I need a time machine to stop time,” sabi niya at ikinuwentong inilalabas-labas na nga nila si Baby Cooper para paarawan.

Going back to the good support system na sinabi niya, bukod sa kanyang nanay, umuwi rin sa bansa ang father niyang chef na wor-king in China, para bisitahin sila.

“He’s here. He came for the birth of Baby Cooper,” sabi ni Gwen.
Dahil chef ang dad niyang si Philippe, tinuruan nito si David na gumawa ng crepes.

“Tinuruan niya kami and si David ‘yung nagluto. Ok naman ‘yung crepes. Masarap. At least, David knows na na gumawa ng crepes,” sey ni Gwen na aminadong ipinagluluto siya ng basketbolista.

Ang parents naman daw ni David na based sa Australia ay darating sa December para dalawin sila at mag-spend ng Christmas dito.

Nora sobrang sweet kay Marie

Kinumusta ko naman ang baguhang aktres na si Marie Preizer, new talent of Leo Dominguez, tungkol sa experience niya sa shooting ng “Isa Pang Bahaghari” movie nina Nora Aunor, Phillip Salvador, Michael de Mesa at iba pa.

“I am done na po last Sunday. It was a wonderful experience! Everything went so well, despite me being a bit scared knowing Direk Joel (Lamangan) is very strict.

“I was so happy because after my last scene, Direk Joel came to my Mom and me and said that I did so well and that I am talented. Grabe po, I am truly grateful for the opportunity, kahit maliit lang po ang role ko.

“Saka nakaka-touch po for Direk Joel to say that. I’m so inspired po na pagbutihin ko pa sa susunod na projects na gagawin ko,” sabi ni Marie.
According to her Mom naman, si Mommy Liza, nang tanungin ko about Nora na una nilang nakita sa story confe-rence ng pelikula, sobrang bait daw ng Superstar.

“Ay very sweet and nice naman ang Ate Guy. Sabi niya sa bagets nang magpi-picture na, ‘Ay, Hija, maupo tayo, ang tangkad mo kasi kaya lalo akong lumiliit!!!’ Sabay laugh ang Superstar. I had a little chat with her, told her that my mother’s family comes from the same province of Iriga City in Bicol. Natuwa naman siya when I mentioned who my grandfather is,” sey ng very proud mom ni Marie.

Sa Vienna, Austria nga pala lumaki si Marie, pero in fairness, ang galing niyang mag-Tagalog, kaya hindi siya nahirapan sa lines niya sa “Isa Pang Bahaghari”.

Sa ngayon nga pala, nagwo-workshop siya sa Star Magic ng ABS-CBN.

Assunta nataranta sa sakit ng mga aso

Uso raw ang pagkakasakit ngayon ng dogs at super sad si Assunta de Rossi dahil sick nga raw ang mga aso nila.

“Four out of five, sick. Inu-ubo,” sabi ni Assunta nang maka-text ko kahapon.

Medyo taranta nga ang misis ni Jules Ledesma.

Dinala na nga raw nila sa veterinarian ang dogs.

“Sunod-sunod na nagkakasakit. Isa-isa silang naka-confine na. Ilang days na rin. Uso raw ubo kasi sa panahon,” sabi pa ng aktres.

Sobrang mapagmahal sa kanyang dogs si Assunta, kaya parang nanay talaga siya sa mga anak kapag magkakasakit ang dogs nila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy