Una sa Balita

Gwen, David binastos ang Holy Week

0 561

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy

Ginulantang ng mag-live in partner na sina David Semerad at Gwen Zamora ang social media nu’ng mag-post sila ng photo sa Instagram nitong Good Friday. Hindi kasi ordinary ang larawan dahil parehong hubo’t hubad ang dalawa na nakaharap sa salamin.

Pero siyempre, hindi naman­ kita ang kanilang mga private part, dahil nakatakip pa rin ito ng towel. Tinatakpan ni Gwen ng towel ang kanyang malalaking boobs at ang ‘ari’ naman ni David ang tinakpan niya ng towel. Pero, kitang-kita pa rin ang mga gilid ng kanilang katawan, na alam mong hubo’t hubad sila.

Proud na proud ang dala­wa sa mga katawan nila, at ramdam mo ang pagnanasa nila sa isa’t isa.

“He be a keeper,” sabi ni Gwen.

At ‘yun na nga, marami ang naaliw sa photo nila.

@kayevalenzuela, “You two made the Philippines hotter.”
@chaneilhere, “So hot naman this couple”.

Pero, marami rin ang hindi natuwa, dahil feeling nila ay binastos ng dalawa ang Holy Week. Na hindi nga raw dapat nagpu-post ng ganu’n na photo sa panahon na naghihirap si Hesus.

@almaponce51, “Grabee parang ‘di dapat i-post ang mga ganyan dahil di pa naman kayu mag-asawa. Sorry ha my own opinion only.”

Na sinagot ni David (@djsemerad), “@almaponce51 wait and see.”

Sabi naman ni @roseredkings; “Hindi na dapat to i-post lalo na Mahal na Araw ngayon. Ano po say niyo Mr. Henyo @angpoetnyo?” na ang tinutukoy nito ay si Joey de Leon.

@frisco@7; “kakatapos lang hehehe..lol.”

@_don_freecss_: “Bawal pa kumain ng karne ngayon.”

@simpleme3788, “@_don_freecs_ kaya nga kumain ng tahong eh este talaba pala.”

Angeline naiyak nang mahawakan ang mga relic ni Hesus

Naging emosyunal si Angeline Quinto nu’ng mahawakan niya ang ilang relics ng Poong Hesukristo. Makikita sa Instagram post ni Angeline na hawak niya ang isang box frame na naglalaman ng pako na ginamit sa pagpapako kay Hesus sa Krus. At ang isa naman ay ang Holy Body of Christ.

Angeline naiyak nang mahawakan ang mga relic ni Hesus
Sa iba pang mga photo makikita ang ilan pang relics­ mula kay Jesus Christ na tinawag ni Angeline na “Most Precious”.

“Most Precious Relics of Our Lord’s Passion. Naiyak ako nu’ng mahawakan ko lahat ito. Ganyan daw po talaga kalaki ang pakong ginamit kay Jesus.”

Pinuri si Angeline ng kanyang mga follower dahil sa kanyang pagiging relihiyoso.

Naka-post din sa IG ni Angeline ang isang video kung saan kumanta siya ng “You Raise Me Up” sa Kamay Ni Hesus Church, sa Lucban, Quezon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy