Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Gwapo niya’ Andrea na-in love kay Kylie

0 138

Tuloy ang landian nina Andrea Torres at Kylie Padilla, ha! Sa Instagram nila ay panay ang harutan nila, na iisipin mo ngang magdyowa na sila.

“Good job babe!” sabi ni Kylie kay Andrea na pinaulanan pa ng mga pulang puso.

“This is it! Congratulations Babe! You know how much you mean to me. Cant wait to be reunited. Big virtual hug for now!” sabi naman ni Andrea kay Kylie.

Anyway, sa mediacon naman ng dalawa para sa serye nilang BetCin, na mapapanood na simula Oct. 15, 8pm sa WeTV (@WeTVPhilippines), tuloy pa rin ang harutan nila, ha!

At may paandar pa ang dalawa na parang nagtalo pa sila, sabay nag-off cam, at pagbalik sa zoom mediacon, okey na sila, at lambingan na ulit.

Ang bongga rin ng paandar nila na, ‘Ano kaya ang tamang timpla ng pag-ibig?’

At sabi pa nga, mas masarap daw manood ng BetCin kapag may kasama kang kiligin. Make it special date nga raw for you and for your ka-pair. Magsindi ng mabangong kandila habang himas o yakap ang mga unan, at uminom ng mainit na tsokolate.

Anyway, kaaliw nga si Andrea, na parang tunay na lalake kung i-describe niya si Kylie, ha!

“Nagwagwapuhan ako sa kanya. Na in love ako sa kanya!” sabi pa ni Andrea.

“Ang memories na naiwan niya sa akin, sobrang saya. Kahit off cam, masaya kaming lahat sa set, kasama ang mga crew,” sabi pa ni Andrea.

Hiling naman ni Kylie, maging mahaba pa ang karanasan niya bilang si Beth sa BetCin.

“Gusto kong mawala muna si Kylie, at maging si Beth muna ako. Perfect kasi siya.

“When I read the script, na-in love talaga ako kay Beth. I know what she’s going through. Nag-enjoy ako sa character ko. Actually nabitin ako.

“I really wanna play her again. We were so sad noong patapos na. Super bitin kasi. Ang saya. I’m so thankful na nagawa ko ito.

“Ang dami kong natutunan sa show na ito. Naisip ko, am I sharing too much sa social meda? Dapat balance lang talaga lahat,” sabi pa ni Kylie.

Oh, di ba? Parang totoong magdyowa, magka-love team sina Kylie at Andrea, ha!

BGYO 2 linggong trending sa Twitter

Grabe na pala talaga ang pagkahumaling at pagdami ng mga fan ng P-pop group na BGYO. Dalawang linggo kasi bago ang release ng debut album nila, araw-araw rin silang trending sa social media.

Nagsimulang mag-trend ang grupo sa Twitter noong Sept. 27 nang pinost ng mga miyembro ang kanilang partnership sa sikat na brand na Louis Vuitton. Nagtuloy-tuloy na ito dahil sa sunod-sunod nilang paglalabas ng kanta hanggang sa release ng debut album nilang “The Light” noong Oct. 7.

Bago pa ito, pinag-usapan din ang BGYO song na “Kulay” na official national costume song sa Miss Universe Philippines 2021. Sa ngayon, umabot na sa lampas 1 milyon views na ang nasabing music video na in-upload ng Empire Philippines.

Nasundan din ito ng pag-iingay ng fans online dahil sa pagkakapanalo ng grupo sa 2021 Asian Academy Creative Awards ng Best Theme Song para sa “He’s Into Her,” release ng carrier single ng debut album na “When I’m With You,” at TV guesting.

Last week naman, trending din ang dance cover ng Jabbawockeez ng BGYO single na “The Baddest.” Ibinahagi kasi ng world-famous dance group ang dance cover sa lahat ng kanilang social media accounts na labis na ikinatuwa ng fans.

Nitong Oct. 10 naman, nag-trending ang guesting ng BGYO sa Spotify Greenroom kung saan sinagot nila ang ilang questions mula sa kanilang fans. Nasa top 10 din ng trending list ang unang live performance nila ng “When I’m With You” sa ASAP Natin To.”

Kung gusto ng good vibes at feeling in love, pakinggan lang ang “The Light” na album sa Spotify at iba pang streaming platforms. Mayroon itong 12 tracks, kabilang na ang “Kundiman,” “Fly Away,” “Sabay,” at “Rocketman” na isinulat ng ilan sa mga miyembro ng BGYO.

Nasa track list din ang debut single nilang “The Light,” ang Bahasa, Japanese, Thai, at Spanish versions nito, “He’s Into Her,” at “The Baddest.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.