Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-9 na labas

Pero hindi pa rin siya nakaramdam ng antok. ­Sinubukan naman niyang isipin ang ­pangalawang option ni Red na nakaupo siya sa baybayin at pinapanood ang sunset.

Pero lalo lang siyang hindi ­nakatulog dahil na-imagine niya na katabi niyang nakaupo roon si Justin.

At sa imahinasyon niya ay…

Unti-unting hinawakan ni Justin ang kamay niya at masuyong hinagkan. Saka ito tumitig nang malagkit sa kanya.

“Lanie, will you be my girlfriend?”

Agad sumagot ang puso niya ng “Yes! Yes! Yes!” Pero hindi iyon lumabas sa bibig niya. Sa halip ay napatitig din siya sa mga mata nito at ­unti-unti ay naglapit ang kanilang mga mukha. Malapit na malapit hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.

Biglang natauhan si Lanie sa imahinasyon niya at napabalikwas ng bangon.
“Erase! Erase!” sabi niya.

Muling napasungaw ang mukha ni Red.

“Nanaginip ka agad?” nagtatakang tanong nito.

“Ewan ko ba kung panaginip ‘yon o ­bangungot!”

“Ikaw talaga, mag-pray ka kaya.” Natatawang sabi ni Red na umayos na ulit ng higa.

Bumalik sa pagkakahiga si Lanie at nagdasal. Sa isip lang niya.

“Lord, ‘wag mo po itulot na mahulog ang loob ko sa lalaking ‘yon… hindi po puwede… baka may masaktan sa mga kaibigan ko at ako mismo, baka masaktan lang din ako… at lalong hindi po kami bagay…”

Paulit-ulit iyong ipinanalangin ni Lanie hanggang sa makatulog na rin siya.

Lingid sa kanya, nahirapan ding makatulog si Justin. Laman din siya ng isip nito.

“Simple, beautiful, and I’m so alive when she’s near… mukhang nagugustuhan ko na siya…” ani Justin sa sarili habang nakatingala nakahiga sa kama niya at nakatingala sa kisame.

Kinabukasan sa opisina. Nilapitan ni Julie si Lanie sa table nito.

“Lan, narinig mo na ba ang balita?”

“Hindi pa, ano ba ‘yon?”

“Kailangan daw nating magsama ng ka-date ­natin s anniversary!” masayang balita ni Julie.

Napakunot-noo si Lanie.

Related Posts

“Anong connect no’n sa celebration natin?”

“Ang kj mo talaga, meaning p’wedeng isama ang mga jowa!”

“Paano kung walang jowa?”

“E ‘di maghahanap ng p’wede, ang saya ‘di ba?”

“E sino naman ang naiisip mong i-date?”

“Sino pa e ‘di si Papa Justin!”

Natigilan si Lanie.

“Siya talaga?”

“Hay naku, unahan na lang tayo nila Bhing sa pagsasabi sa kanya!”

“Kayo na lang ni Bhing ang mag-unahan, ­hindi ako interesado, saka pwede naman sigurong walang ka-date ‘di ba?”

“May pipiliin daw kasing couple of the night!”

“Ano ‘yun Valentines day?”

“Whatever, basta ako mag-e-enjoy ako nang husto sa party!”

Naiiling lang si Lanie sa sobrang excitement na ipinapakita ng kaibigan.

Gabi. Isinukat ni Lanie ang susuotin niyang dress. Isang blue dress iyon na may simpleng pala­muti. Isinuot din niya ang scarf na nagpasosyal dito. Matagal niyang tinitigan ang sarili sa salamin.

“You look simple but elegant Lanie, hindi na halata na wala kang pera… ang galing talagang tumahi ng damit ni Red!” natatawa niyang sabi sa sarili.

“And, kahit wala ka pang ka-date, hindi ‘yon makakabawas sa kagandahan mo… inside and out…” nakangiti pa niyang sabi.

Binulabog siya ni Vanessa sa biglang pagsulpot nito sa kuwarto.

“AHA!”

“Kung plano mong gulatin ako, nagtagumpay ka!”

“Haha! Teka ba’t mo ba sinusukat ‘yan baka hindi ka matuloy niyan sa party!”

“Hindi naman kasal ‘yon ‘no.” Natatawang sagot ni Lanie.

“‘Yung dalawa nakatambay sa gate, inaabangan yata ang pagdating ni Doc!”

“Hayaan mo sila, may the best girl win kung sino ang pipiliin sa kanila ni Justin na maka-date sa anniversary!” (Itutuloy)