Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-8 na labas

Palagi kasi itong parang robot magsalita, mahina at mabagal kaya nakakagulat na marinig nila ang malakas na boses nito.

Sinundan iyon ng tawanan kasabay ng pagtaas nila ng kanya-kanyang baso.

Bago pa lumalim ang gabi ay nagpaalam na si Justin. Nang makaalis ang binata ay nilapitan ni Bhing si Lanie na nagliligpit ng mga pinagkainan.

“Uy Sis Lanie, mukhang ikaw ang kursunada sa atin ni Justin ah!”

“Heh! Tumigil ka nga diyan, purely friendship lang ang gusto niya sa atin.”

“Aminin mo na kasi, type mo rin siya no?”

“Hay naku ang kulit mo. Hindi ko siya type.” Deep inside ay tila kinabig ng dibdib ni Lanie ang sinabi ng bibig niya pero sinarili na lang niya iyon.

“Okay fine, pansin ko lang naman, iba kasi ang tingin niya sa’yo, parang titig, if it’s meant to be, why not diba?”

Tawa na lang ang itinugon ni Lanie sa kaibigan. Lumapit na rin si Mhae at tinulungan sila sa pagliligpit.

Monday.

Nag-aabang na ng masasakyan sa pagpasok sina Lanie, Julie at Bhing sa kanto nang may maalala ang una.

“Girls, nalimutan ko yung cellphone ko, babalikan ko muna!”

“OMG, Lanie, anong oras na oh, late na tayo!”

“Okay, mauna na lang kayo, ingat!” pagkasabi niyon ay tumalikod na si Lanie at lumakad pabalik sa boarding house.

“Lanie sure ka mauuna na kami?” pahabol na sigaw ni Bhing.

“Oo its okay!” pahabol na sagot din ni Lanie.

Nang may dumaan na taxi ay sumakay na ang dalawa.

Ilang saglit lang at nag-aabang na ulit ng masasakyan si Lanie dala na ang cellphone niya.

Nang biglang huminto sa harapan niya ang kotse ni Justin.

“Hey Lanie, good morning, papasok ka na?”

“Hi Justin! Oo eh.”

“Mag-isa ka lang?”

“May nakalimutan kasi ako kaya pinauna ko na sina Bhing at Julie.”

“Let’s go, ihahatid na kita.”

“Ha? E…’wag na, magtataxi na lang ako.”

“Baka matagalan ka pa, lalo kang ma-late. We’re friends right?”

“S-sige na nga…”

Luminga pa sa paligid si Lanie bago sumakay sa kotse.

“Baka ikaw naman ang ma-late sa paghatid mo sa’kin, medyo malayo-layo din ang office namin.” Ani Lanie nang makaupo na ito sa loob.

“No, it’s okay, palagi naman akong maaga pumapasok para may allowance ako sa oras.”

Related Posts

“Oh, by the way, I have something here for you…” May kinuha si Justin sa paperbag na nasa tabi niya.

Nagulat si Lanie nang iabot sa kanya ng binata ang scarf na gusto niyang mabili.

“A-anong ibig sabihin nito?” nabiglang tanong ng dalaga.

“I thought you like it!” anang binata na nagpatuloy na sa pagmamaneho.

“Yes, oo, pero hindi ko naman sinabing bilhin mo para sa’kin.”

“It’s just a simple help from a friend, sabi mo hindi swak sa budget mo so I bought it for you.”

“Thank you Justin, don’t worry, babayaran kita pag sweldo ko!”

“No need. I said it’s just a simple help from a friend. “

Hindi na umimik ang dalaga. Deep inside ay nakaramdam siya ng kakaibang saya sa ipinakitang thoughtfulness ni Justin.Pakiramdam niya ay espesyal siya dito.

Pero ayaw naman niyang mag-assume. Nakakatakot ‘yon para sa kanya. Baka kasi ganito lang talaga makipagkaibigan si Justin at kung sinuman sa kanilang magkakaibigan ang mangailangan ay tiyak na tutulungan din ng binata at bibigyan ng atensyon gaya ng ibinibigay nito sa kanya ngayon.

“So what can you say? ang ganda diba, from the cloth to design!”

“Oo, ang ganda nga kaya nga natipuhan ko talaga. Salamat ulit ha.”

“Stop saying so many thank you, kasi malay mo someday or one of these days kailanganin ko rin ang tulong me, I think one thank you is enough.”

“Okay.” Nakatawang tugon ng dalaga.

Habang daan ay hindi maiwasan ni Lanie na palihim na sulyapan si Justin sa car mirror. Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman niya at hindi niya gusto iyon.

Pagdating sa opisina ay sabay na tumaas ang kilay nina Julie at Bhing nang malamamng hinatid ni Justin si Lanie.

“OMG! Nakakarami ka na ha!” si Julie.

“Kaya ka yata nagpaiwan eh, may usapan kayo noh?” hirit tanong naman ni Bhing.

“Wala no. Nagkataon lang talaga. Wag nga kayong malisyoso!”

“Naku,naku, naku, baka yang kaka-deny mong ‘yan e mauwi rin sa inlababo!” biro pa ni Julie.

“Korek! At pagnangyari yon ako ang unang-unang sasabunot sa’yo! Har har!” dagdag biro pa ni Bhing.

“O siya, sige na trabaho na tayo baka makita pa tayo ni boss na nagkukumpulan dito.” Nakangiting tugon ni Lanie. Patalikod na siya nang mapansin ni Bhing ang bitbit niyang scarf.

“Huy teka, nakabili ka na?”

“Hindi, binili ni Justin para sa’kin.” Pagkasabi niyon ay nagmamadali ng lumayo si Lanie sa dalawa para makaiwas sa mas malakas na kantyaw pa ng mga ito.

“LANIEEEE!” Tili ni Julie na may inis sa mukha.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Lanie. Laman ng isip niya si Justin. Pabiling-biling siya ng higa. Pero kahit anong pwesto ang gawin niya ay hindi pa rin maalis sa utak niya ang pag-iisip sa binata.

Mula sa itaas ng double deck ay sumungaw ang ulo ni Red.

“Lanie, tulog ka na, may bumabagabag ba sa’yo?”

“W-wala naman Sis Red, hindi pa lang talaga ako dinadalaw ng antok…”

“Magbilang ka ng tupa o kaya isipin mo na nakaupo ka sa baybayin ng dagat at pinapanood ang paglubog ng araw sigurado aantukin ka.”

“Sige Sis Red, salamat, try ko.”

Ipinikit ni Lanie ang mga mata at nagbilang nga ng tumatalong mga tupa sa bakod. (Itutuloy)