Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-7 na labas

“Okay lang basta ba ang magdadala ulit sa akin sa ospital ay si Justin!” kinikilig pang sabi nito.

Abante Hiring – IT dep

Sinundan iyon ng tawanan. Nakitawa na rin sina Mayla at Jha.

Buong week ay naging busy na ang magkakaibigan sa kani-kanilang trabaho. Hanggang sa muling pagsapit ng weekend.

Isang hindi inaasahang bisita ang kumatok sa pintuan nila. Si Julie ang nagbukas.
“J-Justin?”

“Yes, it’s me, Justin, can I come in?”

Napatingin si Julie sa dalang cake ni Justin.

“Y-yes, come in….” natutulalang sabi ni Julie.

Nagulat din ang iba pa nang makita si Justin, Agad nila itong inentertain.

“I brought this cake because it’s my birthday today and I want it to celebrate with you, all of you, my new friends!” nakangiting sabi ng binata.

“Welcome Justin and happy birthday!” si Vanessa.

“So how young are you?” tanong ni Mayla.

“I’m 37.”

“Ooh, so close, most of us here are in 30’s!” si Jhona.

Nag-unahan pa sina Julie at Jhona sa pagkuha ng cake. Inilapag nila ito sa mesa.

Habang abala sila sa pag-aayos ng cake sa mesa ay gumagala naman ang tingin ni Justin.

ila may hinahanap ang mga mata. Hinahanap niya si Lanie.
Nilapitan siya ni Bhing.

“Siguro mas maganda kung magpicture-taking tayo sa cake mo!”

“Yeah, sure! Wait, s-si Lanie?” hindi na napigilan ni Justin ang sarili na magtanong.

“Ah, nagpunta kasi siya sa mall, naghahanap siya ng scarf na babagay sa dress na susuotin niya para sa anniversary ng company namin.”

“Really, so kailan ‘to?”

“Next week.”

“Ah, okay.”

Para makumpleto ang celebration ay nagluto ang magkakaibigan ng spaghetti at bumili rin sila ng maiinom. Enjoy na enjoy naman si Justin sa pakikipagkuwentuhan sa kanila sa maluwang na kitchen.

Related Posts

“Alam mo ito talaga ang hobby naming magkakaibigan, ang magluto!” si Bhing.
“Korek! And sometimes ang maghalaman!” si Vanessa.

“Or baraha!” singit naman ni Jhona.

“You know what guys, I also love to cook, because if I’m not a doctor, maybe I am a chef!” pagbibida ni Justin.

Samantala. Malungkot namang pumasok ng gate si Lanie. Nagulat siya nang makita si Justin sa kusina nila.

“Lanie, come here, we’re having a celebration here!” ani Justin na matamis ang pagkakangiti sa dalaga.

“Anong meron?”

“Birthday day lang naman ni Papa Justin! I mean, ni Justin, our new friend!” ani Julie na hinaluan ng biro.

“Ganun ba? H-happy birthday Justin! Maiwan ko muna kayo diyan ha, magbbibihis lang ako.”

Nang bumalik si Lanie ay muling sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Justin.
“So how’s your scarf? Nabili mo ba ang gusto mo?” tanong ng binata.
“Pa’no mo nalaman na bibili ako ng scarf?”

“Well, Bhing told me, tinanong kasi kita sa kanya.”

“Ah, okay…sad nga eh, kasi wala akong nakita na swak sa budget ko, meron pero hindi ko type, yung type ko naman may kamahalan.” Malungkot na sabi ng dalaga.

“Ganun ba?” si Justin.

Binuksan ni Lanie ang cellphone niya at ipinakita sa kanila ang scarf na natipuhan sana niya pero may kamahalan.

“Look at this mga sisterets, kinunan ko siya ng picture, I hope bago mag-anniv e mabalikan ko siya! Ganda diba, bagay na bagay sa blue dress ko?”

“Let me see.” Singit ni Justin na feeling close na agad sa kanila.

Ipinakita rin sa kanya ni Lanie.

“Oh, beautiful, mukha ngang bagay sa’yo!”

“Hmpf! Bolero!” natatawang sabi ni Lanie.

“Okay, tama na ‘yang bolahan na ‘yan, Justin you have to blow your cake na para maumpisahan na natin ang inuman!” singit ni Bhing sa dalawa.

Kinantahan pa nila si Justin ng Happy birthday bago nito hinipan ang kandila sa cake.

Maya-maya lang ay halos lasing na silang lahat maliban kay Red na hindi talaga umiinom.

“Girls, thank you for this, maraming maraming salamat sa pagtanggap nyo sa akin.”
“Asus, iyakan na’to!” sigaw na biro ni Julie.

“Doc Justin, thank you din sa friendship na offer mo sa’min. I hope na maging mabuti tayong magkakaibigan hanggang sa huli!” si Lanie.

“Hanggang sa muli! Cheers!” sigaw ni Jhona.

“Para sa bagong kaibigan, Justin Venera­cion!” sigaw naman ni Shiela na ikinagulat nilang lahat. (Itutuloy)