Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-6 na labas

“You know what, one hour pa before ang duty ko, dapat kasi dadaan muna ako sa mall kanina, pero hindi ko naman kayo sinisisi ha, as I told you I am willing to help specially sa inyo na mga bago kong kaibigan.”

“Talaga ba, tinuturing mo na kaming mga bago mong kaibigan?”

“Yeah, why not?”

Napangiti si Lanie.

“Well, okay naman ‘yon at least nadagdagan ang kaibigan namin, and welcome to our friendship!” sabay lahad pa ng kamay ni Lanie.

Magiliw namang nakipag shake-hands si Justin.

“Thank you Lanie.”

“You’re welcome doc!”

“Just call me Justin na lang, mas komportable.” Nakangiting sabi ng binata.

“Okay, no prob, Justin!”

“So, pa’no, iwan na muna kita?”

“Oo, keri ko na dito.”

“Good.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang binata at naglakad palayo.

Hindi naman maipaliwanag ni Lanie ang sa­yang naramdaman habang kausap niya si Justin.

Parang gusto na rin niya ito.

“Gusto? Siguro bilang kaibigan, mukha naman siyang mabait eh!” kumbinsi ng dalaga sa sarili.

Gabi na nang makalabas sa ospital sina Bhing at Lanie. Nasa bahay na ang mga kaibigan.

“Buti naman at nakauwi na kayo, akala namin mako-confine ka pa sa ospital eh!” si Julie na hinaluan ng biro.

Naupo si Bhing sa sofa.

“Akala ko nga din eh, grabe ang sakit talaga ng tiyan ko kanina, hindi ko maipaliwanag.”

“E ngayon sumasakit pa ba?” tanong ni Red.

“Hindi na masyado, kasi nakainom na’ko ng gamot.”

“E, ano raw ba ang nangyari sa’yo?” tanong naman ni Jhona.

“Ulcer daw, hindi pa naman malala pero kailangan ko raw mag-doble ingat.”

Nilapitan ni Vanessa si Bhing.

“Don’t worry sis, ipaglalaga kita ng dahon ng bayabas, epektib daw ‘yon sa may ulcer sabi ng lola ko!”

“Talaga ba?”

“Oo, sabi rin ng lolo ko, Vanessa, pwede ba akin na lang ‘yung bunga?” mala-robot ang salitang singit ni Shiela.

“Oo na, ikaw talaga Shiela oh, palagi kang may hirit eh!”

“Tama si Vanessa, mabuti talaga ang mga herbal, pero Bhing, mabuti pa rin ang natitingnan ng doctor.”

“Opo Sis Red.”

Related Posts

Napansin nila ang kakaibang ngiti sa labi ni Lanie habang papasok ito sa kuwarto.

“Anong nangyari do’n?” tanong ni Jhona.

“Ewan ko, naiwan sila ni Justin kanina sa lobby nu’ng pinasok na’ko sa room para gamutin eh…”

“SI JUSTIN?” sabay-sabay at nanlalaki ang mga matang bulalas ng magkakaibigan.

“Oo, nasiraan kasi ‘yung sinakyan naming tricycle, tapos nadaanan kami ni Justin at pinasakay kami sa kotse niya.”

“O, ano pang nangyari, magkuwento ka pa!” si Julie.

“Ano pang ikukuwento ko, wala na’kong alam, sobrang sakit kaya ng tiyan ko kanina!”

“Waaahh ang daya talaga ni Lanie, nalama­ngan niya tayo kay Justin!” nagmamaktol na biro ni Julie.

Hapunan. Nakikiramdam ang magkakaibigan kay Lanie. Panay sulyap nila dito nang palihim.

“Mga sisterets, pwede ba kung may gusto kayong sabihin sa’kin, sabihin n’yo na.” ani Lanie na napuna agad ang kakaibang kilos ng mga kaibigan.

“Anong napag-usapan n’yo ni Justin?” nagkasabay pa sa pagtatanong ang magkapatid na Jhona at Julie.

“Sabi ko na nga ba tungkol it okay Justin eh.”

“E kasi naman, hindi ka man lang nagkukuwento sa’min, kundi pa nabanggit ni Bhing!” reklamo ni Vanesaa.

“Okay, okay, I’m sorry, hindi ko naman kasi alam kung dapat ko bang ikuwento sa inyo ‘yon o ‘wag na lang kasi baka magselos kayo sa’kin! Pero, napag-isip-isip ko na siguro nga kailangan kong i-share sa inyo, since sa kanya na rin naman nanggaling na gusto niya raw tayo maging kaibigan.”

“Huwaaaat? Sinabi niya ‘yon?” excited na tanong ni Julie.

“Yup, at ang naka “HUWAT” talaga sa mga nalaman namin ni Bhing ay isa pala siyang doctor!”

“Huwaaat ulit?” Halos sabay-sabay nang sabi tugon ng mga babae.

“E bakit hindi pa siya ang gumamot sa’yo Sis Bhing?” tanong ni Red.

Si Lanie ang sumagot.

“Hindi pa kasi siya duty that time, pero I’m sure kapag may nagkasakit dito sa atin at kaila­ngan natin ng doctor makakalapit tayo sa kanya!” nakangiting sabi ng dalaga.

“Aray, ang sakit ng puso ko!” biro ni Julie na humawak pa sa puso niya.

“Ako rin, ang utak ko sumasakit parang nagdidiliryo na’ko dalhin n’yo na ako kay Doctor Justin Veneracion!” sunod na biro naman ni Jhona.

“Mga lukaret, baka magdilang devil kayo diyan e, magkasakit nga kayo!” natatawang sabi ni Vanessa.

“Teka may gamot ba sa mga taong tahimik?” hirit na tanong ni Shiela.

Sabay-sabay silang napatingin kina Mayla at Jha.

“O, bakit nakatingin kayo sa’kin?” tanong ni Mayla.

“At sa akin din?” tanong din ni Jha.

“E kasi mga sisters, palagi kayong tahimik lalo na nitong mga nakaraang araw, may problema ba kayo?” sagot ni Lanie sa tanong ng dalawa.

Nagkatinginan sina Mayla at Jha bago nagsalita ang una.

“Wala naman, medyo kabado lang sa pag-aasikaso ng visa ko, pero okay naman ako.”

“Ako naman… alam n’yo na, palagi pa rin akong tinatawagan nila mama para humingi ng budget, tapos ‘yung bf ko pa…”

“Guys, wala naman palang mabigat na problema dito eh, so ano kailangan ko na bang bumili ng hard after ng hapunan natin?” tanong ni Bhing na maluwang ang pagkakangiti.

“Hoy sira ka talaga, alalahanin mo ‘yang tiyan mo baka madala ka na naman sa ospital niyan!” paalala ni Lanie. (Itutuloy)