Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-5 na labas

Kinabukasan. Umaga pa lang ay busy na ang lahat. Kanya-kanya na nang paghahanda para sa pagpasok sa kanya-kanya ring mga trabaho.

“O, Bhing, hindi ka ba papasok bakit hindi ka pa gumagayak?” tanong ni Lanie nang mapansin si Bhing na nakaupo pa at kapit ang tiyan.

“Ang sakit ng tiyan ko eh…”

“Baka naman kabag lang ‘yan, sige na ibanyo mo na ‘yan at hihintayin ka namin ni Julie.” Natatawang sabi pa ni Lanie.

Pero hindi natawa si Bhing sa halip ay namilipit pa ito sa sakit.

“Bhing, okay ka lang ba, gusto mo bang ibili kita ng gamot o kaya dalhin ka na namin sa ospital?”

Nang marinig ang sinabi ni Lanie ay naglapitan ang magsisisterets.

“O napa’no ka?” tanong ni Red.

“Waaahhh, ang sakit talaga ng tiyan ko!”

“Tingin mo lalabas na?” walang emosyong hirit ni Shiela.

“Anong lalabas na? hindi ako nadudumi at lalong hindi ako manganganak!” nakangiwing sagot ni Bhing.

Bumaling naman si Lanie kay Mhae.

“Buti pa tumawag ka na ng tricycle Mhae, dalhin natin sa ospital si Bhing.”

Agad namang sumunod si Mhae. Pagkatapos ay kay Julie naman bumaling si Lanie.

“Julie, ikaw na lang ang pumasok sa office, ako na ang bahala kay Bhing, ikaw na ang bahalang magsabi kay boss kung bakit hindi kami nakapasok.”

“Ha? E sige…”

“Sister, sure ka ba ikaw na ang bahala kay ­Bhing, so pwede kaming pumasok lahat?” nanigurong tanong ni Mayla.

“Oo mga sis,keri ko na’to.”

Nang makakuha ng tricycle ay tinulungan na nilang makasakay si Bhing, kasama si Lanie ay umandar na ito.

Nasa kalagitnaan na sila patungong hospital nang biglang tumigil ang sasakyan.

“Manong, ano hong problema?” tanong ni Lanie.

“Na-flat ang gulong ko, pa’no ba ‘yan?”

“‘Di ba dapat kami ang magtanong sa’yo niyan, so pa’no na ‘yan, madalang pa naman ang tricycle sa lugar na’to!”

Bumaba ng tricycle ang driver.

“Sandali, iaabang ko na lang kayo.”

Bumaling si Lanie kay Bhing.

“Ano sister, keri mo pa? ‘Di bale mukhang malapit naman na tayo.”

“Malapit? Ni hindi ko pa nga matanaw ang mga building!” nakangiwing sagot ni Bhing.

“Relax ka lang diyan, konting kembot na lang matatanaw mo na ang nagtataasang building ng Makati!”

Nang isang kotse ang pumarada sa harapan nila. Napanganga si Bhing nang magbukas ng bintana ang kotse. Si Justin!

“Hey girls, what’s wrong? Do you need help?”

Nagkatinginan sina Lanie at Bhing bago sumagot ang una.

“Ahm, actually oo, kasi masakit ang tiyan nitong si Bhing, kailangan ko siyang madala sa ospital pero eto, pumutok ang gulong ni manong kaya waiting kami dito.”

Binuksan ni Justin ang pintuan ng kotse.

Related Posts

“Get in, I’ll bring you to the hospital.”

Mabilis na nakalipat si Bhing mula sa tricycle papasok kotse. Sinundan na lang siya ni Lanie.

“Justin, salamat ha.Tatanawin namin itong utang na loob sa’yo.”

“Utang? No, I’m willing to help, anytime.”

Tumango-tango na lang ang dalaga.

Habang daan ay palihim na sinusulyapan ni Justin si Lanie. Hanggang sa magtama ang pa­ningin nila sa car mirror. Agad umiwas ang binata. Nagbaba rin naman kaagad ng tingin si Lanie.

Maya-maya pa ay nasa harap na sila ng ospital.

“Justin, thank you ulit ha. So pa’no, papasok na kami sa loob.” Si Lanie akay si Bhing.

Nagulat si Lanie nang bumaba rin sa kotse ang binata.

“Sasamahan ko na kayo.”

“Ha? E, ‘wag na, keri na namin to, okay na ‘yung naihatid mo kami dito!” nahihiyang sabi ni Lanie.

Bago pa makasagot ulit si Justin ay nakita na siya ng kasamahan at binate.

“Good morning Doc!”

Lalong nagulat sina Lanie at Bhing.

“Doc?” halos sabay na bulalas ng dalawang dalaga.

“Yeah, bago lang ako dito. Tara na sa loob.”

Nagkatinginan ang magkaibigan bago sumunod sa binata.

Habang ginagamot ng ibang doctor si Bhing sa loob ng isang room ay magkausap naman sa waiting area sina Lanie at Justin.

“Doctor ka pala… hindi halata kasi sobrang simple mo, saka hindi bagay sa’yo ‘yung apartment mo…”

“Ah ‘yun ba, brother ko ‘yung owner no’n, in-offer niya sa’kin since malapit-lapit dito sa ospital na bago kong pinapasukan kaysa sa condo ko.”

“Gano’n ba… matagal ka na bang doctor?”

“Two years ago.”

“Ah, okay…”

Saglit na katahimikan ang namagitan na agad din namang binasag ni Justin.

“Magkakaibigan ba kayong lahat and matagal na ba kayo do’n sa boarding house n’yo?”

“Oo, sina Julie at Jhona lang ang magkapatid. Wala pa kaming isang taon na magkakasama pero I think ‘yung bonding namin at turingan as more than friends may pundasyon na. Alam mo ‘yung feeling na parang matagal na kayong magkakakilala?”

“Really? Nakakainggit naman.”

“Bakit, wala ka bang mga kaibigan?”

“Meron naman, But most of them are busy na sa kanya-kanyang work. We haven’t had time to bonding after college.”

“Ang sad naman.”

“Actually, not really, I still enjoying my life even I was alone for about 15 years!”

“Ha?” sa isip-isip ni Lanie, exaggerated naman ‘to, alone talaga for 15 years???

Tila nabasa naman ng binata ang iniisip niya.

“Siguro hindi ka naniniwala, but it’s up to you.”

“Ito naman, bakit naman ako hindi maniniwala. Lahat naman dito sa mundo sanayan lang eh.”

“Really?”

“Really! Pero doc baka kailangan mo nang magtrabaho.” (Itutuloy)