Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Related Posts

(Huling bahagi)

“Lanie, ako mismo ang nag-design nyan para sa’yo.”
“Thank you Red… touch ako…”
Nilapitan ni Lanie ang gown at tumingin kay Justin.
“Yes, oo na, yes na yes na!”
Nagkatinginan silang lahat.
“Ahm, Lanie hindi pa nagpo-propose si Justin, gusto lang namin makita mo kung gaano kaganda yung wedding gown na tinahi ni Red para sa’yo.” Ani Julie.
Napahiya si Lanie pero sinalo siya ng binata.
“Girls, actually naunahan lang ako ni Lanie, but look…” may kinuha si Justin sa bulsa.
Isang ring. Lumuhod siya sa harap ni Lanie at kinuha ang isang kamay nito.
“Lanie, will you marry me?”
Napatingin si Lanie sa mga kaibigan na nagyakap-yakap sa kilig.
“Ahm…nasabi ko na ang sagot ko diba, nauna pa sa tanong mo… it’s a yes!”
Tumayo si Justin at isinuot sa daliri ni Lanie ang singsing sabay halik sa noo nito.
“I love you Justin…”
“I love you more Lanie…”
Humarap si Lanie sa mga kaibigan at nakangiitng sinabi…
“This guy is mine… really mine…”
Nagyakap sila nang mahigpit.
“Ehem. Bago magkalimutan girls, your upa?” singit ni Lady Samantha.
“Ahm, Lady Sam, pwede ka ba naming kuning ninang sa kasal namin?” tanong ni Lanie.
“What? Okay.” Nakangiting tugon na lang ni Lady Sam.
“So, dahil ninang ka na namin sa kasal, pwede ba next month mo na lang kami singilin?” biro ni Lanie.
“Ang daya, Oo na sige na, alam ko naman ang sasabihin nyo eh, gagastos kayo sa kasal, sige na, regalo ko na lang sa inyo ang isang buwan nyong upa!”
“YEHEY!” si Gayle na nagsolo sa pagsigaw. Napatingin silang lahat sa kanya.
“Yehey kasi, kasali na’ko don sa isang buwang upa di ba? Libre na rin ako ng isang buwan?”
“HINDI!” sabay-sabay na sagot ng magkakaibigan at pagkatapos ay parang mga batang nag-yehey na rin silang lahat.
Ang kasunod na no’n ay isang masayang wedding celebration.
Makalipas ang ilang taon. Sina Lanie at Justin ay nakabukod na ng bahay at may dalawa ng anak. Sina Julie at Jhona ay nag-join force sa banana business nila with their mother mamita. Si Mhae ay ikinasal na sa katrabaho niya sa restaurant at hindi naman tinutulan ng mamu niya. Si Red ay may sarili ng fashion boutique.
Si Vanessa ay nakapag-asawa na rin at nagkaanak ng isa. Si Shiela ay may sarili na ring semi-resto. Si Mayla ay ikinasal na rin sa bf niyang Canadian at si Jha ay na-promote naman sa trabaho niya sa call center bilang supervisor. Sa wakas si Bhing ay natagpuan na rin ang forever niya sa isang guy na kagagaling lang sa Saudi. Si Gayle ay bumalik na sa America. Habang si Lady Samantha ay nadagdagan pa ang boarding house na pinaparentahan niya at pinangalanan niya itong sisterets b.house. (WAKAS)