Una sa Balita

This guy is mine

By
0 540

Related Posts

Ika-29 na labas

Nagpunta nga sa ospital ang magkakaibigan minus Lanie at nagulat sila nang makitang mukhang okay na okay na si Justin at sinusubuan pa ito ni Gayle ng pagkain.
“Wow, ang sweet kaya naman pala mukmok overload ang sisteret namin!” bungad ni Vanessa.
Nagkatinginan sina Justin at Gayle.
“Hay naku, kaya pala siya nawala ay hindi na niya nakayanan kuya.” Si Gayle.
“KUYA?” sabay-sabay na sabi ng magkakaibigan.
“Oo girls, half sister ko si Gayle, hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote nito para magpanggap na gf ko, but don’t worry napagalitan ko na.” paliwanag ni Justin.
“E gusto ko lang naman malaman kung gaano talaga kamahal ng friendship n’yo ang kuya ko, close kaya kami nito kaya ayoko siyang mapunta sa babaeng mababaw lang ang pagmamahal sa kanya.” Paliwanag din ni Gayle.
Nagkatinginan ang magkakaibigan at napangiti.
“O ngayon napatunayan mo na ba?” tanong ni Red.
“Oo sana, pero bakit wala siya dito?”
“Kaya nga kami nandito para malaman namin kung ano ng ganap, siguro nakita na niya kayong ganyan ka-sweet kaya walked out na ang drama ng lola nyo.”
“G-ganon ba, pero hindi ko pa naman siya nakita mula nang magkamalay ako…”
“Malamang hindi na lang nagpakita talaga…” si Mhae.
Saglit na nakiraan ang katahimikan. May suggestion si Justin.
“Girls, salamat sa inyo, pero pwede n’yo ba akong tulungan?”
“Paano?” tanong ni Red.
Lumapit silang lahat kay Justin at nagplano.
Samantala. Isang plano rin ang nabuo sa isip ni Lanie. Madaling-araw pa lang ay inihanda na niya ang sarili.
“This is it Lanie, hindi mo na siya iisipin, tutal­ okay na naman siya at malamang nagkabalikan na sila ng Gayle na ‘yon kaya oras na para mag-move on!” kausap ni Lanie sa sarili habang nagsisintas ng sapatos.
Lingid sa kanya.
“Mukhang magdya-jogging siya at first time niyang gagawin ito.” Mahinang sabi ni Julie sa kausap sa cellphone habang nakakubli sa likod ng divider sa salas.
“Ok, copy.” Sagot ng kausap niya sa cellphone.
Lumabas na si Lanie at sinimulang tumakbo.
“Go self! Keri mo ‘yan, after mong tumakbo ng malayo. ‘Wag ka nang lilingon! Hindi na dapat nililingon ang nakaraan kung masasaktan ka rin lang!” Patuloy na kausap ni Lanie sa sarili.
Subalit naramdaman niyang may sumusunod sa kanya kaya napalingon siya.
Si Justin.
“Justin?”
“Lanie, bakit hindi ka na bumalik sa ospital?”
“Para ano pa, okay ka na naman ‘di ba saka okay na kayo ni Gayle kaya tantanan mo na’ko, pinatawad na kita!” pagkasabi non ay muling tumakbo ang dalaga.
Habol si Justin.
“Wait lang, hindi mo man lang ba ako tatanu­ngin?”
“Hindi!”
“Bat gano’n?”
“Dahil gano’n. ‘Wag mo na akong habulin!”
“Kung ayaw mong habulin kita, stop running!”
“Tatakbo ako hangga’t gusto ko!”
“Kung gano’n hahabulin kita sa ayaw at sa gusto mo!”
Humihingal na huminto sa pagtakbo si Lanie.
“Ano ba talagang gusto mo?”
“Gusto kong kausapin mo ako at sabihin mong mahal mo pa rin ako.”
“Nababaliw ka na!” muling tumakbo ang dala­ga.
Nang biglang may sumigaw.
“TAMA NA!” si Julie mula sa ‘di kalayuan sa likuran nila. Kasunod nito ang mga kaibigan.
“Tama na ang drama?” kunot noong tanong ni Lanie.
“Hindi! Mag-drama kayo hangga’t gusto n’yo, pero utang na loob, tama na ang pagtakbo, pagod na pagod na kami kakasunod sa inyo!”
Nameywang si Lanie sa mga kaibigan na puro mga hinihingal.
“Sino bang may sabi sa inyo na habulin n’yo ako?”
“Sisteret, kaya ka namin hinahabol kasi may sorpresa kami sa’yo, nasa boarding house!” si Mhae.
“A-anong sorpresa?”
Nagmamadali silang bumalik lahat sa boarding house. Nabigla si Lanie nang mabungaran doon si Gayle.
“A-anong ginagawa mo rito?”
“Ang mahal kasi ng bayad sa condo ko, kaya nag-decide ako na dito na lang muna ako magre-rent sa boarding house nyo, para happy tayong lahat!”
Matalim na tiningnan ni Lanie isa-isa ang mga kaibigan.
“Ito ba ang sorpresang sinasabi n’yo? Ang patirahin dito ang lukaret na karibal ko?”
“Lukaret talaga ang sister-in-law mong ‘yan!” singit ni Shiela.
“Sister-in-law?”
“Oo, half sister ni Justin na nagpanggap na gf niya para sukatin ang pagmamahal mo sa kuya niya.”
Dahil sa narinig ay nilapitan ni Lanie si Gayle sabay pabirong sabunot at kurot dito.
“Lukaret ka talaga, winasak mo ang puso ko ngayon bubugbugin kita!”
“Easy ka lang te, hindi naman ‘yan ang sorpresa namin eh, tumabi ka nga diyan Gayle!” awat sabay hawi ni Bhing kay Gayle para ipakita ang tunay na sorpresa.
“DYARAN!” sabay-sabay nilang sabi.
Si Lady Samantha ang bumungad sa pintuan ng kuwarto nang buksan nila. Kaya nagulat silang lahat.
“Girls, pumasok na’ko sa loob, akala ko kasi nandoon kayo dahil walang sumasagot kanina, may nakita akong book sa ibabaw ng double deck kaya binasa ko muna saglit, ang ganda kasi ng teaser eh… pero kaya ako nandito kasi araw ng singil ko sa upa ngayon.”
Napabuntong hininga si Lanie.
“Oo na mga sisterets, alam ko nasa akin ang pambayad ng upa, ibibigay ko na.”
“Wait lang Lanie, hindi naman si Lady Sam ang surprise namin sa’yo eh… nasa loob ng kuwarto.”
“Ano ba talaga?”
Si Justin na mismo ang kumuha ng sorpresa nila kay Lanie.
Isang wedding gown iyon na nakasuot pa sa manekin.
Natulala si Lanie. (Itutuloy)