Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-3 na labas

Ang birong iyon ay sinundan ng malalakas na tawanan.

“Hay naku, tigilan nyo na nga si Bhing, duguan na eh, may the best girl win na lang sa puso ng Justin na ‘yon!” hirit naman ni Red.

“E ikaw ba sis Red, type mo rin ba siya?” tanong ni Mayla.

Umiling si Red.

“Gusto ko siya, pero hindi para sa sarili ko, para sa isa sa inyo at ‘yon ay kung sino ang magugustuhan niya sa inyo!”

“Pero mga sis, bago natin siya pag-agawan, dapat malaman muna natin kung free ba siya, baka naman kasi taken na hindi lang niya kasama!” singit ni Mhae.

“May point ka naman bunso, pero, hayaan na natin mangarap ang mga lukring na ‘yan, hanggang pangarap lang naman sila eh!” natatawang dugtong ni Lanie.

Bumangon sa pagkakahiga si Bhing at inis na tumingin kay Lanie.

“Ikaw talaga Lanie, baka mamaya mo niyan bandang huli ikaw na yung nangangarap sa kanya!”

Bumangon din si Lanie.

“Ang posible ay yung ako ang pangarapin niya, pero kung siya ang papangarapin ko, never as in N.E.V.E.R. never!”

“Wag masalita ng tapos.” Singit ni Shiela.

“Hay naku buti pa matulog na tayo, baka sakaling sa panaginip nyo eh mapansin niya kayo!” ani Lanie, sabay higa ulit at takip ng unan sa mukha.

Kinabukasan. Madaling-araw pa lang ay gi­sing na si Red. Wala pang nakakauna sa kanyang gumising. Siya kasi ang palaging naghahanda ng almusal nila lalo na kung may pasok sa kanya-kanyang trabaho since siya naman ang pinakahu­ling pumapasok dahil sa oras ng trabaho niya sa fashion design shop.

Related Posts

Matapos magluto ni Red ng sinangag at tocino ay inilabas niya ang mga basura para pagdaan ng truck ay makasama ito sa hakot. Napatingin siya kay Justin na nakayuko at nagsusuot ng sapatos. Obviously ay magdya-jogging ito.

Dali-dali siyang pumasok ng bahay at tinungo ang kuwarto nilang magsisisterets. Isang mala­king kuwarto ang tinutulugan nila na may limang double deck kaya tag-iisa rin sila ng higaan.

“TIKTILAOK!” sigaw niya.

Halos sabay-sabay namang nagmulat ng mga mata ang mga babaita at napatingin sa kanya.

“Sino ang gustong mag-jogging?”

Halos sabay-sabay ding bumalik sa tulog ang mga kaibigan dahil puro mga tamad pagdating sa exercise.

“Wala ba talagang gustong mag-jogging kasabay si Justin?”

Dahil narinig ang pangalan ni Justin ay mabilis pa sa alas-kuwatrong nagbangunan ang mga hitad maliban kay Lanie na nagtakip pa ng unan. Hindi rin interesado si Mayla dahil faithful siya sa bf na Canadian. At si Jha na loyal din sa bf niyang ewan. Nakiki-ride on na lang si Shiela at Mhae. Ang talagang mga atat ay ang magkapatid na Julie at Jhona, si Vanessa at syempre ang laging in love na si Bhing.

“Teka, teka, teka, mga sisteret, sigurado ba kayo sa binabalak nyo?” natatawang tanong ni Red habang nagbibihis na ang mga ito.

“Oo naman Sis Red, kailangan na talaga na­ting magbawas ng timbang ngayon, di ba girls?” sagot ni Bhing.

“YES!” sabay-sabay namang sang-ayon ng mga ito.

“Kailangan para makasabay si Justin?” hirit na tanong ni Red.

“Ano ka ba Sis Red, kaya mo nga kami gini­sing di ba? Kung ako sa’yo, join ka na rin sa’min, need mo na rin namang mag-exercise, lumalaki ka na oh!” si Julie.

“Heh! Dati na akong malaki, as in matangkad. Pero never akong lalaki na kagaya ninyong magkapatid, kasi on diet ako!”

“Ouch!” si Jhona. Naghahabulan kasi sila ng taba ng kapatid na si Julie.

“Alam mo ikaw Sis Red, pagdalaw ni mamita namin dito hindi ka namin bibigyan ng chocolates promise!” biro pa ni Julie.

Natawa na lang si Red sa sinabi ni Julie. (Itutuloy)