Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Related Posts

Ika-27 na labas

“Speaking.”
Si Jha ang nasa kabilang line. Saglit itong kina­usap ni Vanessa.
“See? Kailangan niya ng tulong natin, pero as usual hindi natin siya matatanggihan. Kailangan niya ng pera.” Natatawa pang sabi ni Vanessa.
Gabi. Tinabihan ni Lanie si Bhing sa higaan. Tinalikuran siya nito at nagpatuloy sa pagbabasa ng pocketbook.
“Bhing, sorry na please?”
“Ayoko. Hindi ko tatanggapin ang sorry mo.”
“Forgive me na.”
“Hindi ko rin ibibigay ang forgiveness ko.”
“So, ano kakalimutan na lang ba natin ang friendship?”
Humarap si Bhing kay Lanie at pinaghahampas ito ng hawak na libro.
“Nakakainis ka kasi! Dahil sa’yo broken hearted na naman ako!”
Hindi na nakaimik si Lanie nang yakapin siya ni Bhing.
“Oo na, hindi naman kita matitiis eh, pero nakakainis ka talaga promise!” tila umiiyak pang sabi nito.
“Matatagpuan ka rin ng Mr. Right mo.”
“Talaga? Pero ayoko dun sa magbabalot na si Paul ha!”
“Ano ka ba, paano naman nasingit dito si Paul?”
“E, kasi nu’ng humingi ako ng sign kay Lord, siya ‘yung nakita ko doon sa baba ng terrace!”
“Ah, si Lord naman pala ang nagbigay ng sign, wala na tayong magagawa don.” Biro ni Lanie.
Kaya naman muli siyang hinampas nito ng pocketbook. Pero this time ay ginantihan niya ito ng hampas gamit naman ang unan.
Nakagaan sa pakiramdam ni Lanie ang pag-unawa sa kanya ng mga kaibigan. Ang tanging hinihiling na lang niya ay ang magkamalay na si Justin at nang maihatid na niya ang magandang balita dito. Kaya naman excited siyang bumalik sa ospital para magbantay.
Subalit…
“S-sino ka?” tanong ni Lanie nang makita ang isang babae sa tabi ni Justin na hindi nagpapahuli ang ganda sa kanya.
“I’m Justin’s girlfriend, and you?”
“I’m also… I mean, I am Justin’s girlfriend.” Taas noong sagot din ni Lanie.
Lumapit sa kanya ang babae at inikutan siya. Tiningnan mula ulo hanggang paa. Saka ito nameywang sa harap niya.
“I’m Gayle a.k.a Aruh, Justin’s girlfriend for about five years.”
“And I’m Lanie, Justin’s girlfriend for about…five…five weeks!”
Natawa si Gayle.
“So kumuha pala ng mapaglilibangan si Justin habang wala ako. But now I’m here, and he don’t need you anymore, so you can go and disappear, forever, okay?”
Biglang tumigas ang mukha ni Lanie.
“Hindi ako naniniwala sa’yo.”
“I don’t care.”
“Hindi ako aalis dito, hangga’t hindi nagigising si Justin at hindi sa kanya mismo manggagaling na niloko lang niya ako.”
“That would be fine. Hindi rin ako aalis.”
Mabilis na naupo si Gayle sa upuan sa gilid ng kama ni Justin.
“Dito ako, maghanap ka ng puwesto mo.” Nang-iinis na anito.
Luminga sa paligid si Lanie. Naghanap ng bangko. Nang makakita ay ipinuwesto iyon sa kanan ni Justin. Nang pareho na silang nakapuwesto ni Gayle ay nagtitigan sila.
Sa isip ni Gayle… “Sige lang titigan mo ang ganda ko, hanggang sa maglaho ka sa inggit at selos!”
Sa isip naman ni Lanie…” Bruhang ‘to, kung wala lang tayo sa harap ni Justin ingungudngod kita sa sahig para malaman mo kung saan ka nababagay!”
Sa isip ni Gayle… “Kung wala lang tayo sa harap ni Justin, iwawasiwas kita hanggang sa tangayin ka ng ipo-ipo at dalhin sa kawalan ahaha!”
Sa isip ni Lanie… “Sige titigan mo ang gandang ito na nagpatibok sa puso ni Justin hanggang sa ­lumuwa ang mga mata mo sa inggit at selos!”
Nang biglang pumasok ang doctor.
“Sino ang girlfriend sa inyo ni Doctor Justin Veneracion?”
“Ako po!” sabay na sagot ng dalawa.
Naglipat ang tingin ng doctor sa dalawang babae na nag-irapan. Ibinaba pa niya ang suot na salamin para makita ang mga ito nang malinaw.
“Okay, tatawagan ko na lang ang brother niya para siya na lang ang kausapin ko.” Pagkasabi ng doctor ay tinalikuran na nito ang dalawang babae.
Sa boarding house sa harap ng mga kaibigan ay hindi na napigilan ni Lanie ang umatungal.
“Waaaahhh! Bakit ganon? Ang sabi niya sa akin ako lang ang mahal niya tapos biglang may ibang girlfriend na susulpot don sa ospital!”
“Hay naku, sis, sana tinawagan mo kami para nailampaso natin ang pagmumukha ng gf niya sa sahig!” si Vanessa.
“At hindi lang ang gf niya, pati mismo si Justin ilalampaso natin sa sahig at saka natin sila pagbubuhulin at itatali sa langgaman!” hirit naman ni Jhona.
“Ang harsh niyo naman, puro violent reaction, wala bang mag-o-object dito?” humihikbi pang tanong ni Lanie.
“May pakiramdam ako na hindi ‘yon totoong girlfriend…” mala-robot ang boses na sabi ni Sheila.
“Korek. Bakit hindi natin hintayin na magising si Justin at magpaliwanag bago natin siya husgahan.” Si Red.
“Oo nga kasi, anong malay natin baka naman ex na niya ‘yon, nagpe-pretend lang na present!” segunda ni Mhae.
“So, anong gagawin ko?”
Lumapit si Julie kay Lanie.
“Kung ako sa’yo, hiwalayan mo na ang lalaking ‘yon.”
“Korek, kami na ang bahala ni Julie, paiibigin namin siya at lolokohin para makaganti ka!” biro ni Bhing.
“Heh! Puro kayo kaimposiblehan eh! Hindi kayo nakakatulong.” Sabay irap ni Lanie sa dalawa.
“Pinapangiti ka lang namin!” natatawang sabi ni Julie.
“Pero salamat, sis, kasi kung hindi ikaw baka ako ngayon ang broken hearted.” Dagdag biro pa ni Bhing.
“Teka, bakit di natin i-Chloe’s inbox ‘yan?” biro ulit ni Julie.
“Tumigil na nga kayo, seryoso ang problema ni Lanie.” Si Red.
Lumapit si Red kay Lanie at inakbayan ito.
“Lanie siguro mas mabuti kung wag kang umalis sa tabi niya. Ikaw ang girlfriend niya bago siya naaksidente, kapag nagising na siya saka mo linawin ang lahat. At anuman ang katotohanan na malaman mo whether it’s good or bad, dapat ready ka, ihanda mo ang puso mo.”
“Salamat, Red, susundin ko ang payo mo…kasi hindi ko rin naman siya kayang iwan sa ganyang kalagayan niya…hindi ko rin siya matitiis…” (Itutuloy)