Una sa Balita

This guy is mine

By
0 540

Related Posts

Ika-26 na labas

Nagbigay daan si Lanie sa mga kaibigan.
Agad nilapitan ni Jhona si Justin.
“Justin, bakit mo kami iniwan!” may paghikbi pa ito.
“Huy! Buhay pa siya ene be?” saway ni Vanessa.
“Nagpapraktis lang!” birong sagot ni Jhona.
Malungkot namang tinitigan ni Julie ang binata.
“Doc Justin, bakit naman nangyari sa’yo to nang hindi mo pa nasasabi sa’kin ang fee­lings mo…”
“Tse! Wala siyang sasabihin sa’yo! Dahil ako ang secret love niya…” Singit ni Bhing
“Tse ka rin! Tanggapin mo na, destiny mong maging broken hearted always!” bawi ni Julie dito.
“Mga sisterets, look at him parang natutulog lang.” puna ni Vanessa.
“Sira ka talaga eh no, anong akala mo dyan patay na? magsama nga kayo ni Jhona!” inis na sabi ni Red.
“Ang ibig kong sabihin, parang natutulog lang as in parang hindi naman siya naaksidente!” explain ni Vanessa.
“Sshhh, wag kayong maingay baka magi­sing siya.” Hirit ni Shiela.
“Sis, yun naman talaga ang gusto natin, ang magising siya diba?” sagot naman ni Mhae.
“Korek mga sisterets, pero tara na, wag tayong magtagal dito kasi bawal dito ang marami baka maabutan tayo ng nurse at doctor!” paalala ni Red.
“Oo nga pala, tara exit na tayo at may kakausapin pa tayo sa labas!” segunda ni Julie na ang tinutukoy ay si Lanie.
Sa boarding house na nila ipinasyang kausapin si Lanie. Nagtipon-tipon sila sa sala.
“So ano sis, may sasabihin ka ba sa’min? wag mong sabihing napadaan ka lang do’n?” umpisa ni Bhing.
“Oo na, oo na, sasabihin ko na ang totoo…”
Naglapitan sila sa dalaga na tila mga batang naghihintay ng isang magandang kuwento ng pantasya.
Huminga muna ng malalim si Lanie bago nag-umpisang magpaliwanag,
“Okay, kasi ganito ‘yon…”
“Tapos?” singit agad ni Julie.
“Wala pa Julie ano ba!” iritang saway ni Jhona.
“Ganito nga…si Justin at ako…kaming dalawa…” patuloy ni Lanie.
“Tapos?” muling singit ni Julie.
“Julie pwede ba patapusin mo muna siyang magsalita?” inis na sabi ni Vanessa.
“Ayun, kaming dalawa…as in, kami…” nakayukong pag-amin ni Lanie.
“Huwat?” sabay sabay na sabi ng magkakaibigan.
“Kailan pa?” si Red.
“Paano?” si Mhae.
“Saan?” si Vanessa.
“Mula nang magkita sila, napansin ko na doon nagsimula ang lahat.” Sagot ni Shiela sa mga tanong nila.
“Girls, isa-isa lang ang tanong, saka hindi ko naman gustong ilihim ito sa inyo, kaya lang natakot ako…na baka magalit kayo sa’kin, na baka hindi nyo ako maintindihan…” pagtatapat ni Lanie.
“Ganoon ba ang pagkakakilala mo sa amin Lanie, na hindi ka namin mauunawaan?” tanong ni Red na may himig pagtatampo.
“Kaya nga nagsosorry ako eh…kasi alam kong nagkamali ako…”
“So, kung hindi naaksidente si Justin at hindi sumingaw ang mabahong relasyon nyo, kailan mo balak sabihin sa amin, kapag nabuntis ka na? kapag ikakasal na kayo at kukunin mo na kaming abay at ninang ng anak nyo?” seryoso ang mukhang tanong ni Julie.
“Of course not!”
“Ano, hindi mo kami kukuning abay at ninang?” nanlalaki ang matang dagdag tanong ni Julie.
“Ang ibig kong sabihin syempre naman may balak akong ipagtapat talaga sa inyo, kaya lang humahanap pa ako ng tamang tyempo.”
“So sa tingin mo ba nakuha mo ang tamang tyempo?” tanong naman ni Bhing.
Umiling si Lanie.
“Hindi talaga. Dahil kahit anong oras mo sabihin sa amin, kahit anong araw o buwan o taon, hindi mababago no’n ang katotohanan na nagsinungaling ka sa amin at inagaw mo sa amin si Justin.”
Sabay sabay na napatingin sila kay Bhing. Lahat may question mark ang mga mukha.
“Okay, hindi na ako magdadrama, pero hangga’t masakit pa dito, hindi ko pa makukuhang magpatawad.” Nakaturo si Bhing sa puso niya sabay talikod at pasok sa kuwarto.
“Teka, ex ba ni Justin ‘yon? Maka-emote wagas!” napapailing at nagingiting tanong ni Red.
Nilapitan ni Mhae si Lanie at inakbayan.
“Okay na sis, ngayong alam na namin, wala kaming gagawin kundi suportahan ka at alalayan sa pinagdadaanan nyo ngayon ni Justin.”
“Thank you Mhae.”
“Wag mo na lang intindihin si Bhing, malaki siguro ang pagkagusto no’n kay Justin pero ‘wag kang mag-alala mabilis namang maka-move on ‘yon kasi sanay naman ‘yon sa pagiging broken hearted.” Ani Red na tinapik din sa balikat si Lanie.
“Thank you rin Red, teka, si Jha bakit wala siya?”
“Ah, si Jha, sinundo ng nanay niya kanina, mukhang may problema na naman sila, pero babalitaan na lang daw niya tayo kung kelan siya makakabalik dito sa boarding house.” Sagot ni Vanessa.
“Gano’n ba, hindi ba niya kailangan ang tulong natin?”
“Knowing her, sigurado namang tatawag sa’tin ‘yon kapag need niya tayo.”
Pagkasabi ni Vanessa non ay biglang nagring ang cellphone niya. (Itutuloy)