Una sa Balita

This guy is mine

By
0 539

Ika-23 na labas

“Ang gusto ko ‘yung set up ng family mo. Kahit malayo sa isa’t isa, meron pa ring time na nagkakasama.”

Abante Hiring – IT dep

“Pero kung gugustuhin mo, pwede mo rin namang makasama ang family mo ‘di ba, if you give your time.”

“But they don’t have time to give.”
Napahinga ng malalim si Lanie sa sinabi ni Justin.
Hinawakan ni Justin ang kamay niya.
“I want a family who’s always been there for me, no matter what and a family na mapaglalaa­nan ko ng oras at pagmamahal ko ng buong-buo.”
Tumingin si Lanie sa kamay niyang hawak ni Justin.
“Nagpaparinig ka ba sa’kin?” nakatawang tanong ni Lanie.
“Gets mo?” nakatawa ring tugon ng binata.
“Oo naman. Gets na gets ko.”
Napawi ang ngiti sa labi ni Lanie nang hagkan ni Justin ang kamay niya.
“Ikaw pa lang ang minahal ko Lanie. I hope that our relationship will grow stronger… and our love will stay until forever.”
“Walang forever… but I do hope that our love will last a lifetime.”
Tumango-tango si Justin. Humarap siya kay Lanie at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha nito.
Kabadong-kabado ang dalaga. Habang papalapit ang mga labi ng binata sa kanya ay palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay may naghahabulang mga daga sa loob nito.
Hanggang sa tuluyang lumapat ang labi ng binata sa labi niya. Sa isip niya ay nagliparan sa paligid nila ang isang libo’t isang paruparo. Nagpalakpakan ang mga butiki sa kisame. Nagsilipan ang mga insekto mula sa kani-kanilang lungga at nagdiwang ang mga dambuhalang hayop sa gubat.
Hindi niya kasi maipaliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip niya.
Parehas lang sila ng nararamdaman ni Justin. Hindi rin maipaliwanag ng binata kung gaano siya kasaya sa mga sandaling iyon. Para siyang nakatuntong sa ulap at ayaw na niyang bumaba mula roon.
Si Lanie ang bumitaw.
“Bakit?” tanong ni Justin na agad nag-alala.
“Wala lang…” nahihiya at napayukong sagot ng dalaga.
Hindi na sila mga teenager at kung tutuusin ay hindi na dapat ganito ang reaksyon nila. Pero wala yata talagang bata o matanda pagdating sa pag-ibig lalo na kung ito ay bago at sariwa sa kanilang karanasan.
Niyakap ni Justin si Lanie.
“O, ayan, kinakabahan ka pa ba?”
“Parang mas lalong lumakas ang kaba ko sa yakap mo.” Biro ng dalaga.
“Mawawala din ‘yan.”
Lalo pang hinigpitan ng binata ang pagkaka­yakap niya sa dalaga.
Gabi. Tumambay sa terrace si Justin sa pag-asang makikita roon si Lanie. Sa halip ay si Bhing ang lumabas para magpahangin sa terrace naman ng boarding house.
Napatingin si Bhing kay Justin at kumabog ang dibdib niya.
“My hero…” sa isip niya na ang naaalala ay ang pagdadala sa kanya ni Justin sa ospital kasama si Lanie.
Biglang kumaway si Justin. Natural lang na kakaway din siya. At nang ngumiti ito ay para siyang nginitian ng isang anghel, subalit agad ring napawi ang ngiti niya nang mapansing lagpasan ang tingin ni Justin. Lumingon siya at nakita si Lanie sa likuran sa akto ng pagkaway.
Nang makita ni Lanie si Bhing na nakatingin sa kanya ay ibinaba niya ang kamay at sa halip ay inipit na lang ang buhok sa teynga.
“Akala ko ako na…” kausap ni Bhing sa sarili.
Pumasok na sa loob si Lanie. Pumasok na rin sa loob ng apartment niya si Justin.
“Itong dalawang ito may something ‘to eh…ramdam na ramdam ko…sisingaw at sisingaw din kayo!” kausap pa ni Bhing sa sarili.
Tumingala siya sa langit at nanalangin habang nakapikit.
“Lord, sino po ba talaga ang ka-love team ko? Give me a sign, gusto ko siyang makita pagmulat ng mga mata ko.”
Pagmulat ng mga mata niya ay tumingin siya sa ibaba. Napatingin din sa kanya ang tindero ng balot na si Paul. Nagtama ang paningin nila.
“Lord, ‘wag naman po siya…” usal ni Bhing.
“Te balot ka?” sigaw ni Paul.
“TSE!” sabay irap at talikod ni Bhing.
Napakamot sa ulo ang lalaki.
“Ba’t nagalit ‘yon, para inalok ko lang ng balot ko?” tanong pa nito sa sarili habang lumalakad palayo.
Umaga.
Hindi maintindihan ni Lanie kung bakit parang nababalisa siya. Hindi siya mapakali. Nakailang ulit siyang tsek sa trabaho niya pero wala naman siyang makitang mali kaya ipinagtataka niya kung ano ang ikinababahala niya. Parang kinukutuban siya ng masama.
Naisipan niyang tawagan ang pamilya niya sa probinsya. Okay naman sila. Puro minor lang naman daw ang problema. Kahit papa’no ay nabawasan ang kaba niya pero hindi ito lubusang nawala.
Ang sumunod niyang tsinek ay ang mga kaibigan niya. Okay din silang lahat. At isa na lang ang hindi pa niya natatawagan.
Si Justin.
“Come on Justin, answer your phone…”
Hindi naman siya nabigo.

“Hello mahal, ba’t napatawag ka?” si Justin.
“Wala naman, tsinek ko lang kung okay ka.”

“What? You’re so sweet, but I’m fine. Ikaw, okay ka lang ba?” natatawang sabi ni Justin.

Related Posts

“Actually no, parang bigla kasi akong kinabahan kanina, pero ngayong natsek ko na ang lahat ng mahal ko sa buhay, including you, maaalis na siguro ang kaba ko.”

“Okay, take care mahal ko, I’ll call you later nagda-drive kasi ako, OTW to work.”

“Okay, be safe. Bye.”

“I love you.”

“I love you too…”

Kahit papa’no ay napanatag na si Lanie.

Samantala. Pagkababa ni Justin ng cellphone ay hindi niya napansin ang isang truck na bigla na lang sumulpot sa harapan niya. At ang aksidente ay nangyari sa isang iglap lang. (Itutuloy)