Una sa Balita

This guy is mine

By
0 540

Ika-23 na labas

“Tulad ng kinakain mo na hindi naman healthy sa katawan?”

“Masarap naman!”

“Matatanda na tayo kaya doble ingat dapat.”

“Doble ingat pala, pero tingnan mo ang ginagawa mo sa sarili mo, pinapagod mo ng husto.”

Natigilan ang dalawa nang dumating si Lanie at nakangiting bumungad sa kanila.
“Hi Mamita! Hi Mamu!”

“Hi Lanie!” sabay na tugon ng dalawang matanda.

Nang makapasok na sa loob ng kuwarto si Lanie ay nagkatinginan sila.

“Nakita mo ba yung nakita ko?” tanong ni mamu kay mamita.

“Yung dala niyang bag? Oo, maganda, mukhang bago at branded!”
“Hindi! Yung suot niya!”

“Yung suot niyang damit? Hindi ko type.”

“Hindi yung damit, the smile that she wear.”

“Smile?”

“Oo, smile, mukhang may kakaiba sa ngiti niya. At ang mga mata niya, may kakaiba ring glows! Parang ganyan ang ngiti ko nung una akong ma-inlove sa asawa ko!”
“Hmmmm…”

Napaisip ang dalawa.

Ang mga sumunod na araw ay naging matingkad ang kulay para kina Lanie at Justin. Palihim silang lumalabas. Nagde-date sa mga lugar na sa tingin nila ay walang kaibigan ni Lanie ang makakakita.

Paminsan-minsan din ay dumadalaw si Justin sa boarding house para makipag-bonding sa magkakaibigan subalit never nilang pinahalata ni Lanie ang lihim nilang ugnayan. Madalas din silang mag-usap sa facebook. At kung minsan ay nagtatawagan.

Hapon.

Ang gaan gaan ng pakiramdam ni Lanie. Parang lahat ay positibo. Lahat ng tingnan niya ay maganda. At sa tingin niya ay ang napakakulay ng mundo.

Nanonood sila ng mga kaibigan sa dvd. Isang romance movie. Habang ang iba sa kanila ay nagluluha na ang mga mata dahil sa nakakadalang eksena, si Lanie naman ay hindi mapawi ang ngiti sa labi.

“Hoy, nababaliw ka na ba, umiiyak na kami oh, tapos ikaw nakangiti ka pa diyan!” pansin ni Julie.

“Naiisip ko lang kasi, maya-maya lang tatawa na yung bida, hindi kasi niya alam may surprise sa kanya yung guy ?” explain ni Lanie.

“Mamaya pa yun eh, saka ba’t mo alam, napanood mo na ba?”

Related Posts

“Hindi pa. Hinulaan ko lang.”

“Hula mo lang pala, napapangiti ka na!” sabat ni Bhing.
“Masama bang mapangiti sa naisip?”

“Hmpf, sigurado ka iyon ang naisip mo, baka kasi may naiisip kang iba.” Si Vanessa.

“Tulad ni Justin.” Singit naman ni Shiela na ang mga mata ay nanatili sa pinapanood.

Natigilan si Lanie.

“Ba’t mo naman nasabi ‘yan?”

“Wala lang. Naisip ko lang din.” Tugon ni Shiela na hindi kumukurap ang mga mata sa pinapanood.

“Ewan ko sa’yo!” tumutok na si Lanie sa palabas. Ayaw niyang bigyan ng clue ang mga kaibigan sa totoong nasa isip niya. Tama naman si Shiela. Si Justin nga ang laman ng isip niya kung kaya’t hindi mapawi ang ngiti sa labi niya.

Pareho namang nakikiramdam sina Bhing at Julie.

Kapag nakakakuha ng pagkakataon ay tumatambay sina Justin at Lanie sa bakanteng lote na iyon kung saan natatanaw nila ang magandang tan

win ng City sa ibaba.

“From here, hindi mo mahahalata kung gaano kagulo ang city. It looks that everything down there is okay.” Si Justin na nakatayo at nakapamulsa.

“Okay naman ah. Nagmumukha lang magulo kapag nandoon ka mismo kasi halos lahat ng tao nagmamadali, busy with their own thing. Maingay ang mga busina ng sasakyan. Parang hindi ka pwedeng mag-aksaya maski isang minuto.”

“Kunsabagay…”

Saglit na naghari ang katahimikan.

“Justin, ilang beses na tayong lumalabas at kung anu-ano na rin ang naging topic natin pero wala ka pang nababanggit tungkol sa family mo.”

“Ahm ‘yon ba…naging independent na kasi ako since I was in college. Matagal nang nag-migrate sa America ang mom and dad ko. Sinuportahan nila ang pag-aaral ko but then I never had a chance to see them again. Just in facebook and skype.”

“Pero bakit? Kahit ba may mga okasyon never nangyari yung magpunta ka doon or sila yung magpunta dito para makita ka at makasama?”

“Busy kasi lahat. Marami kasi kaming magkakapatid, and all of us ay may kanya-kanya ng buhay, actually we’re siblings but step sisters, step brothers, like that, yung dad ko kasi may dalawa siyang naging asawa before my mom, and my mom also meron din siyang unang husband before dad. Ang gulo no?” natatawang explain ni Justin.

“Hindi naman, Medyo lang.” natatawa ring tugon ni Lanie.

“E ikaw, ano naman ang status ng family mo?”

“Okay naman. Nasa probinsya ang mga magulang ko. Marami rin kaming magkakapatid pero kahit na busy lahat, nagkikita-kita pa rin kami kapag may okasyon.”

“Okay, That’s good.”

“Kung magkakapamilya ka ba, gusto mo rin ba ng set up katulad ng sa family mo?”
Umiling ang binata. (Itutuloy)