Una sa Balita

This guy is mine

By
0 539

Ika-22 na labas

“Justin! Justin!” tawag niya.

“Ma’am, pumasok muna kayo dito sa loob ng taxi, ako na ang kakatok d’yan, basang-basa na kayo oh!” Pagmamagandang loob ng driver.

“Salamat manong, pero ako na ho ang bahala rito, makakaalis na po kayo.”

“H-ha? E ma’am, hindi ho ako pwede umalis.”

“Oho alam ko ho nag-aalala kayo, pero okay lang po ako, malakas po ang resistensya ko.”
“Ma’am, may iba pa ho akong inaalala, nag-aalala po ako kasi, hindi n’yo pa ho ako binabayaran, 170 po ang metro.”

“Gano’n po ba? Sorry naman, nakalimutan ko.” Dumukot si Lanie ng pera sa wallet at iniabot ang 200 pesos sa driver.

“Thank you ma’am, sure po ba kayo hindi n’yo kailangan ang tulong ko?”

“Ang bait mo manong, pero keri ko na po ito, ingat na lang po sa pagda-drive!”
Umalis na ang taxi.

Muling kinatok ni Lanie ang bintana ng sasakyan.

“Justin, buhay ka pa ba? Jusko Lord baka naman inatake na siya kakahintay sa’kin…”

“JUSTIN!”

Kulang na lang ay mag-walling si Lanie sa kotse. Napapaiyak na siya.

“Justin, sorry kung ako ang naging dahilan ng maaga mong…”

Nang biglang magmulat ng mga mata si Justin.

“Ng maaga kong?”

“N-Ng maaga mong paghihintay hanggang gabi?….”

Lihim na ikinatuwa ni Justin ang nakitang pag-aalala sa mukha ng dalaga.

Dali-daling bumaba ng kotse ang binata at inalalayan sa pagpasok sa loob si Lanie. Kinuha niya ang jacket niya at siya mismo ang naglagay non sa balikat ng dalaga.

“Bakit naman nagpakabasa ka?” tanong ni Justin na puno ng pag-aalala.

“Kasalanan mo, bakit kasi ang tagal mong magising?”

“Sorry, wala pa kasi akong tulog from work, dito ako dumiretso kanina, ang tagal mo, akala ko nga hindi ka na darating, kaya napaidlip ako.”

“Hinatid pa kasi namin si Mayla sa airport…biglaan…”

“Ganon ba?…Lanie, ngayong dumating ka, It means yes, right?…”

Hindi makasagot ang dalaga. Tinitimbang pa ang sarili kung handa na ba talaga siyang pasukin ang sa tingin niya’y kumplikadong bagay.

“Lanie?”

“J-Justin kasi…natatakot ako…natatakot akong masaktan ang mga kaibigan ko…at natatakot rin akong masaktan…kasi…ikaw pa lang ang minahal ko…”

Hinawakan ni Justin ang kamay ng dalaga.

“Forget all your worries and fears, I’m here beside you.”

Pakiramdam ni Lanie ay may ilang libong boltahe ng kuryente ang gumapang sa kamay niya sa pagkakahawak dito ng binata.

Related Posts

“If you want, sasamahan kita na mag-explain sa kanila.” Dugtong pa ni Justin.

“No. Hindi pa ko handa…”

Binitiwan ni Justin ang kamay ng dalaga.

“So what are we?”

Saglit na nag-isip si Lanie.
“Ikaw at ako…”

Naghintay pa si Justin sa sasabihin ng dalaga.

“Ikaw at ako…tayong dalawa…pero…”

“Pero ano?”

“Pero…sikreto lang…”

“Secret?” kunot noong ulit ni Justin.

“Kung ayaw mo e di wag, madali naman akong kausap eh.”

Napasandal ang binata sa upuan ng kotse.

“Para naman tayong illegal niyan, parang may commitment tayo sa iba na pinagtataguan natin.” Natatawang anito.

Sumandal din si Lanie sa upuan at umirap.

“Kaya nga kung ayaw mo, e di wag mo, iabang mo na lang ako ng taxi at uuwi na’ko.”
Tumunghay si Justin sa dalaga.

“So be it.”

Tumingin si Lanie sa mga mata nito.

“Pumapayag ka na?”

“Wala ka namang ibinigay na choices diba?”
Isang yakap ang iginawad ni Lanie sa binata.

“So, officially, you are my girlfriend now?”
Nakangiting tumango ang dalaga.

“And you are my secret boyfriend!”

Si Justin naman ang yumakap sa dalaga.

Tila nakikipagdiwang sa kanila ang ulan na lalo pang lumakas ang pagbuhos. Binibigyang basbas ang pag-ibig na ilihim man ay patuloy na mamumukadkad at yayabong sa mga puso nila na tulad ng isang magandang bulaklak.

Gabi.

Habang abala si Mamu Marissa sa paglilinis ng boarding house ay panay ang sunod sa kanya ni Mamita Divine.

Mula salas hanggang kusina ay pinapakintab niya ng floorwax.

“Nakakahalata na’ko ah, bakit ba panay ang sunod mo sa’kin?”

“Wala lang, nagtataka kasi ako sa’yo eh…parang wala kang kapaguran. Gabi na linis ka pa rin nang linis!” sagot ni mamita habang kumakain ng french fries.

“Gusto ko kasi perfect lahat ang nakikita ko…”

“Perfect? O way mo lang ‘yan para makalimutan mo ang problema nyo ng mister mo?”
Natigilan si mamu.

“Ikaw, nakakainis ka, ayoko ngang maalala ‘yon pinaalala mo pa!”

“O, see, e di way mo nga lang ito. Hay naku, kaysa pagurin mo ang sarili mo, idaan mo na lang sa kain!” (Itutuloy)