Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-20 na labas

Sumampa siya sa kama at sumampa rin ang lalaki. Tinakluban niya ito ng kumot para hindi makakita pero agad din itong natanggal ng binata. Sinubukan naman niya ang flying unan, pero nasasalo lang ito ni Justin at mabilis na naiaayos sa kama. Takbo ulit siya sa ibang sulok ng silid. Takbo rin ang lalaki. Hanggang sa makorner siya at makulong sa mga bisig nito.

“J-Justin…”

“Yes?”

Biglang natauhan si Lanie mula sa imahinasyon niya nang marinig ang boses ng binata.
“Yes?” ulit na tanong ni Justin.

“Yes? Bakit, may sinabi ba’ko?”

“You called my name.”

“Ha? A, e… wala, wala akong sasabihin, I mean, itatanong ko lang sana kung saan ba talaga tayo pupunta kasi parang napapalayo na tayo.”

“We’re almost there…”

“There?…where?”

Inihinto ni Justin ang kotse sa lilim ng isang malaking puno. Bumaba siya sa kotse at ipinagbukas ang dalaga.

Namangha ang dalaga sa tanawing tumambad sa kanya. Para silang nasa tuktok ng bundok kung saan natatanaw nila ang malawak na tanawin sa ibaba. Larawan ng isang maunlad na siyudad. Pero ang totoo ay wala naman sila sa itaas ng bundok kundi nasa mataas na bahagi lamang sila ng isang bakanteng lote na napapaligiran ng mga puno at nasasahigan ng mga damo.

“P-paano mo nalaman ang lugar na’to?” tanong ni Lanie.

“Nasiraan ako ng car that time, tapos naglakad-lakad ako at nagawi dito, then after that madalas na akong huminto sa lugar na’to, specially when I was lonely…”

“Lonely? So ngayon ba lonely ka kaya tayo nandito?”

Natatawang napatingin si Justin kay Lanie.

“What a question! Siguro lonely ako dahil I was

hinking if you could love me back… but for sure, at this very moment I am happy, it’s because you’re here with me.”

Kinilig si Lanie sa sinabi nito pero s’yempre hindi niya pinahalata.

“Grabe mga hirit mo eh ‘no, pero alam mo, okay na sana ‘yung friendship natin eh, kaso…”

“Kaso, I opened up my feelings for you?”

“P-parang gano’n…”

Napayuko si Justin pero muling tumunghay at tumingin sa dalaga.

Related Posts

“So does it mean na hindi kita p’wedeng ligawan or hindi p’wedeng maging tayo?”

“P-parang gano’n…”

“But why?”

“P-parang…”

“Please stop saying “parang ganon” diretsahin mo na lang ako, bakit hindi p’wedeng maging tayo?”

Naghahagilap si Lanie ng tamang words para masabi ang gustong sabihin. Pero para siyang naghahalungkat sa loob ng isang aparador na wala namang laman.

“Ano kasi eh… hindi pa’ko ready… saka ayoko rin na magtampo sa akin ang mga kaibigan ko.”

“Magtampo ang mga kaibigan?”

“Ah, ang ibig kong sabihin, hindi ka naman siguro manhid para hindi mo maramdaman na they like you, though I’m not sure if it’s love or just a simple admiration, pero parang gano’n na rin ‘yon ‘di ba, almost the same.”

“So, iyon talaga ang dahilan.”

Hindi sumagot si Lanie. Mali yata ang sinabi niya. Para namang ipinagkanulo niya ang mga kaibigan niya.

Humarap si Justin sa dalaga.

“I don’t think they like me as much as I like you… and if they’re truly friends of yours, maiintindihan ka nila… tayo… the question is… do you love me too?”

Parang may malaking tinapay na bumara sa lalamunan ni Lanie. Gusto niya ang ganitong eksena pero hindi pa siya nakapag-ready.

“Kailangan ko bang sagutin ‘yan ngayon?”

“Of course not. Saturday. I’ll wait for you here. Kapag dumating ka, that means yes, and if not, it would be clear to me, it’s a no.”

Napalunok si Lanie. Naisip niya, siguro laking Amerika ‘to. Napakabilis manligaw, gusto agad-agad malaman ang sagot. Kunsabagay, life is too short to enjoy kaya nga ang motto niya e “time is gold”. Pero kaya ba niyang makapagdesisyon ng ganoon kabilis? It’s already Wednesday at ilang araw na lang…

Pumayag siya sa kondisyong ibinigay ni Justin. Hindi niya alam kung bakit napapayag siya nito. Siguro dahil hindi naman niya maitatanggi sa sarili niya ang lihim na pagtatangi dito kaya gano’n.

Ang mga sumunod na araw ay hindi naging maganda para kay Lanie. Nape-pressure siya sa pakikipagkasundo niya kay Justin. Kung tutuusin ay buo na naman sa puso niya na mahal nga niya ito pero ang nagpapahirap sa kanya sa pagdedesisyon ay ang mga kaibigan. Ayaw niyang masaktan ang mga ito. May punto rin naman kasi si Justin, bakit nga ba nila pahihirapan ang mga sarili kung pareho naman nilang mahal ang isa’t isa?

Sabado.

Nagre-ready na si Lanie sa pagpunta sa tagpuan nila ni Justin. Ang balak niya ay isikreto na lang muna sa mga kaibigan ang pakikipagmabutihan niya sa binata hanggang sa maging handa na siyang ipagtapat sa mga ito. Kukuhanin na sana niya ang scarf na bigay nito para isuot mamaya nang mapatingin siya kay Mayla. Nag-iimpake ito ng damit sa maleta.

“Sis, saan ka pupunta?” tanong ni Mhae.

Pinaghalong tamis at pait ang ngiting sumilay sa mga labi ni Mayla. Tumayo ito sa harapan nila at inumpisahang magpaliwanag.

“Mga sisterets, sorry ha, sinadya kong ilihim ito sa inyo para masorpresa ko kayo… approved na ang apply ko sa Canada..” (Itutuloy)