Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-2 na labas

Naupo si Jha sa upuang kahoy malapit sa pinagpaplantsahan ni Lanie bago sumagot.

“E ganito kasi ‘yon, hindi siya nagrereply kasi baka nagtatampo siya dahil hindi ko siya pinautang ng pera… kaya iniisip ko ngayon kung saan ako mangungutang para ipautang sa kanya para di na siya magtampo at para magreply na siya sa text at chat ko. Ano bang dapat kong gawin?”

“Wala. Wala kang gagawin. Dahil hindi mo kasalanan kung wala kang maipautang sa boyfriend mong ewan! Hayaan mo siya, kung mahal ka niya dapat siya ang tumutulong sa’yo sa problema mo sa pera hindi yung makakabigat pa siya!” inis na payo ni Lanie.

Samantala. Abala naman ang ibang girls sa pagluluto ng ulam.

“Patikim nga!” si Julie.

“Teka naman, hindi pa luto oh!” ani Bhing na siyang pasimuno sa niluluto nilang adobong manok.

“Hmm, amoy pa lang nakakatakam na!” hirit naman ni Jhona.

Ang mabangong amoy ng adobo ay nakarating sa pwesto nina Lanie at Jha.

“Hmm, wait lang Jha ha, dito ka muna at sisilipin ko lang sila sa kusina.

Nagulat pa si Lanie nang makita niyang nagkakagulo ang mga sisterets sa kusina.

“Teka ano bang pinagkakaguluhan nyo dyan?”

“Uy, lika at makitikim ka dito sa aming special adobo!” aya ni Mhae.

“Special? Bakit may okasyon ba?”

“Wala naman, gusto lang naming i-welcome ang bago nating kapitbahay!” ani Julie na maluwang ang pagkakangiti.

Napakunot noo naman si Lanie.

“Huy mga sisterets, mahiya naman kayo, ipagluluto nyo talaga ng special adobo yung lalaking ‘yon na hindi natin alam kung saang planeta nanggaling?”

“Correction, hindi namin siya ipagluluto, ipinagluto na namin sya, saka ‘wag ka ngang KJ, ganun talaga ang tamang pag-welcome sa neighborhood!” Si Jhona.

“Ganon ba? E bakit yung matandang hukluban na kakalipat lang sa kanto hind nyo iwinelcome ng luto nyo?”

“Grabe ka naman, ang layo na no’n, sa kanto hindi na natin kapitbahay ‘yon!” natatawang sabi ni Bhing.

Walang nagawa si Lanie kundi panoorin na lang ang mga sisterets niya sa naisip ng mga itong pag-welcome sa bago nilang neighbor.

Ilang katok ang nagpalingon kay Justin sa pintuan. Nakaupo siya sa sofa at nanonood. Dahil paulit-ulit ang katok kaya napilitan siyang tumayo at magbukas ng pinto.

Nagulat siya nang mabungaran niya ang mga babae.

“Hello, good morning!” halos sabay-sabay na bati ng mga sisterets minus Lanie, Jha and Mayla.

Related Posts

“H-HI!”

Magiliw na iniabot ni Julie ang isang tasa ng adobo sa binata.

“Welcome!” nauna ng sabi nito bago pa man magpasalamat ang lalaki.

“Oh, thank you, is this for me?”

“No, for us! Joke lang!” hirit na sagot ni Jhona.

“Well, thank you ladies!”

“You’re welcome!” halos sabay-sabay ulit na sagot ng mga ito.

“Teka, hindi mo man lang ba kami papapasukin para makapagkuwentuhan naman tayo?” all smile na tanong ni Julie.

Agad naman siyang sinaway ni Vanessa.

“Ah, no, hindi na kailangan, kasi marami pa kaming gagawin, actually binigay lang talaga namin sa’yo ang ulam, and gusto lang namin malaman ang pangalan mo?” sabay palihim na kurot ni Vanessa kay Julie.

“Oh yeah, I’m Justin Veneracion, and you are?”

Sabay-sabay na nag-abot ng kamay nila ang mga sisterets at kanya-kanyang sabi ng pangalan kaya walang naintindihan si Justin sa sinabi nila.

“Ah, pasensya ka na Justin ha, ganito lang talaga kami ka-friendly, actually lahat ng nagiging bagong neighbors namin ipinagluluto talaga namin ng ulam sa unang dating nila!” depensa ni Vanessa.

“Okay, Salamat ulit.”

“Nagtatagalog naman pala.” Bulong ni Shiela.

Gabi. Nakahiga na ang lahat pero wala pa maski isa ang natutulog.

“Mga sisterets, anong tingin nyo kay Justin?” tanong ni Julie.

“Tingin ko sa kanya, kamukha siya ni Papa Ian Veneracion at magka-surname pa sila!”
Si Bhing na nakatingala sa kisame na tila nangangarap.

“Ako ang tingin ko sa kanya, isa siyang anghel na bumaba sa lupa para maging kapitbahay natin!” si Jhona.

“Hindi lang para maging kapitbahay, kundi para maging kabiyak ng aking puso!” hirit naman ni Vanessa.

Binato ni Bhing ng unan ang kaibigan.

“Huy, akong naunang mangarap sa kanya kaya akin na siya!” biro nito.

“Hay naku Bhing, pwede ba ‘wag mo siyang idamay sa kamalasan mo sa pag-ibig!” ani Vanessa sabay kunwaring irap.

“Heh!”

“Korek si Sis Vanessa Bhing, pero ‘wag kang mag-alala Vane, sigurado naman na mabo-broken hearted lang din yan kay Justin kasi hindi pa sila, ibe-break na siya!” biro din ni Jhona. (Itutuloy)