Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-19 na labas

“Bakit may third eye ka ba?”

“Hindi naman ako nakakakita ng multo eh, ­nakakaramdam lang.”

“Diretsahin mo na kasi ako Red, ano ba talaga ang gusto mong sabihin?”

“Sige, tingnan mo ako ng diretso sa mga mata ko at sasabihin ko sa’yo na meron kang gustong sabihin sa akin na hindi mo masabi sa kanila.

Hindi makatingin ng diretso si Lanie sa mga mata ni Red.

“Oo na, sige na… kahit naman sa’yo hindi ko masabi… kasi nag-aalala ko…”

“May gusto ka rin kay Justin, Lanie.”

Nabigla si Lanie.

“O, nakakabigla bang alam ko? Ramdam ko, kaya lang natatakot ka kasi nag-aalala ka na baka magalit sila sa’yo.”

Marahang tumango si Lanie.

“Hindi kita ipu-push na sundin ang payo ko, ang sa akin lang follow your heart, be yourself at ­maiintindihan ka naming lahat… pero kung ayaw mo, e ‘di wag, hindi naman kami ang mahihirapan eh, IKAW.” Pagkasabi niyon ay humigop si Red ng mainit na kape kaya muntik na itong maibuga kay Lanie.

“Awts, ang init pa pala!” anito.

Napangiti si Lanie sa kabila ng pag-aalala niya.

Nang araw na iyon, maraming kailangang tapusin si Lanie sa opisina kaya nagpasya itong mag-overtime. Nauna nang umuwi sina Bhing at Julie.

Habang subsob siya sa trabaho ay nasa ibaba naman si Justin kausap ang guard.

“Anong oras kaya siya mag-a-out?”

“Hindi ko po alam sir eh.”

“P’wede mo bang alamin?”

Saglit na nag-isip ang guard.

“Ikaw talaga sir, masisisante ako nito eh… ­bawal kasi, sir…”

“I know, pero wala naman akong bad intention, I just wanna know para alam ko kung hanggang anong oras ko siya hihintayin.”

“E sir hindi mo naman siya girlfriend ‘di ba?”

Napangiti si Justin at nag-isip ng sasabihin.

“E ikaw ba manong may asawa na?”

“ Oo naman sir, mukha ba akong binata?”

“ Medyo.”

“Bolero ka sir ha, anim na ang anak ko!” ­Natatawang sabi ng guard.

“Ang dami mo na palang anak manong, siguro mahal na mahal mo ang asawa mo.”

“Oo naman! Kaya nga nakarami kami eh…”

“Ako rin eh… I love Lanie… katulad nang kung paano mo minamahal ang asawa mo ngayon… kaya maghihintay na lang ako dito sa labas kung anong oras siya uuwi… kahit pa abutin ako rito ng magdamag… or maybe until sunrise.”

Natigilan ang guwardiya. Napailing ito at napakamot sa ulo.

“Kawawa ka naman, o sige na nga, aalamin ko na kung anong oras siya uuwi…”

Pagtalikod ng guard ay napangiti si Justin. Palihim nitong sinundan ang guwardiya.

Kumatok sa pintuan ang guard kung saan ang office ni Lanie.

“Yes, manong?”

Pinatuloy ng dalaga ang guard.

“Sorry po sa istorbo ma’am, tanong ko lang po kung hanggang anong oras ang o.t. n’yo?”

“Bakit mo naman natanong manong?”

Related Posts

“E kasi po…”

“Maaga pa naman, magsasara na po ba tayo?”

“Hindi naman po sa gano’n man… ano po kasi… uuwi na po ako ng alas-otso, e wala na pong papalit sa akin, naisip ko lang po walang magbabantay sa inyo dito, apat na lang po kasi kayong o.t.” palusot ng guwardiya.

“Gano’n ba, don’t worry manong, kaya naming protektahan ang sarili namin. Makakauwi po kayo sa oras na gusto nyo.”

“Ho? E…”

Biglang sumingit si Justin sa usapan.

“Sige na manong, ako na’ng bahala dito.”

Napa-second look si Lanie sa biglang pagsulpot ni Justin. Kakamot-kamot sa ulong lumayo na ang guwardiya sa dalawa.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Lanie na napatayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair ng table niya.

“Sinusundo ka, pero kung hindi ka pa uuwi, I can wait here.”

“Justin, nababaliw ka na ba? Bawal ka dito sa loob!”

“Okay, I’ll wait for you outside?”

“No. Just go home.”

“Lanie, iniiwasan mo talaga ako ‘no?”

Pabagsak na muling naupo si Lanie bago ­sumagot.

“Hindi kita iniiwasan.”

“Then let me wait for you and let’s talk.”

“Talk about what?”

“About us.”

Napahugot ng malalim na paghinga ang dalaga.

“Okay, for once pagbibigyan kita. Hintayin mo na lang ako sa baba, mga one hour.”

“Fine.” Pagkasabi no’n ay lumabas na ng opisina si Justin.

“Grabe siya, maghihintay talaga siya ng one hour?” naiiling na sabi ni Lanie sa sarili.

Deep inside ay kinilig rin siya sa isiping iyon. Kaya naman ang work overload ay minadali niyang tapusin.

“Relax ka lang self, maghihintay naman siya ‘di ba? Ene be ‘yen, hindi mo sya bf at hindi mo siya magiging bf kaya cool ka lang dapat.” Paalala pa niya sa sarili.

Ang isang oras na paghihintay ay naging isang oras at kalahati pa. Pero

atyaga pa ring ­naghintay ang binata. Hanggang sa matanaw na niyang ­palabas ng elevator si Lanie.

“Nandiyan ka pa pala.”

“I told you, I can wait.”

Sumakay sila sa kotse ng binata.

“Justin, ayokong mag-usap tayo sa boarding house o maski sa gate, ayokong makita nila tayo kaya p’wede ba sa ibang lugar na lang?”

“Sure, I’ll bring you to the private place.”

“What?”

“I mean, somewhere na walang makakakita sa atin.”

“Ano? Binabastos mo ba’ko?”

“What?” nakangiting napatingin si Justin kay Lanie.

“P’wede ba linawin mo ang sinasabi mo, saan mo ba talaga ako balak dalhin?”

“Basta, promise magugustuhan mo.”

Hindi na kumibo ang dalaga pero umaandar ang isip. “M-magugustuhan ko?… Jusko Lord kapag dinala ako nito sa motmot, naku matitikman niya ang hindi pa niya natitikman sa tanang buhay niya, I mean makakatikim siya ng karate kick ko, mag-asawang sampal at lumalagutok na suntok…”

At naglaro agad sa imahinasyon niya na nasa loob sila ng isang motel. At naghahabulan.
“Stop it, Justin! Stop it!”

“You’re mine now! Don’t be KJ!” (Itutuloy)