Una sa Balita

This guy is mine

By
0 539

(Ika-18 na labas)

Para kasing mga teenager na bago pa lang nagliligawan ang mga ito.

“O siya, tara na po sa loob at ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga sisterets ko.”

Nang malaman ni Mamita na pansa­mantalang mamamalagi sa Mamu sa boarding house ay humirit din siya sa magkakaibigan habang nagkakainan na sila ng meryenda.

“Aba’y kung gano’n, baka naman pwedeng dito rin muna ako, bored na bored na kasi ako sa bahay eh, kahit maghapon pa kaming mag-chat sa skype ng mister kong nasa Saudi e hindi pa rin maalis ang lungkot ko, lalo na at nandito da­lawang naggagandahan kong mga anak!”

“Ehem!” si Jhona.

“Hay naku mamits, sure po ba kayo diyan?”

“Oo anak, so ano pwede ba mga girls? Don’t worry sagot ko lagi ang merienda nyo!”

“YES Mamita, okay na okay po sa’min!” halos chorus na sagot ng magkakaibigan na sinabayan ng tawanan.

Gabi. Hindi maka­tulog si Lanie. Nakokonsensya siya sa ginawa niyang pagsisinungaling.

Dahil sa ginawa niya, baka lalo lang lumala ang problema niya. Paano nga kung ligawan na siya ni Justin? Paano niya babastedin ang lalaking may puwang na rin sa puso niya? Kung sasagutin naman niya ito…paano na ang binitawan niyang salita sa mga kaibigan?

“Shut up Lanie, wag ka munang mag-assume, oo sinabi niya na gusto ka niya pero ni hindi pa nga siya nagpaparamdam na manliligaw oh …mas mahirap ang mabigo kaysa umasa…parang parehas lang din pala…” sa isip ni Lanie.

Related Posts

Samantala, sa mga sandaling iyon ay naka­tambay sa terrace ng apartment niya si Justin.

Naghihintay na masila­yan si Lanie, baka sakaling lumabas ito at pumwesto rin sa terrace tulad ng dati nitong gina­gawa. Pero lumalim na ang gabi ay hindi niya nakita ni anino nito.

Subalit buo na ang desisyon ni Justin. Liligawan na niya si Lanie. Gagawin niya ang lahat para makuha ang matamis nitong oo.

Dahil hindi naman nagkakalayo ang oras nang pagpasok nila sa trabaho ay palagi niyang inaabangan ang dalaga para maihatid kahit pa tinataguan siya nito. Ganoon din sa uwian, palagi niya itong hinihintay kahit pa ramdam niya ang pag-iwas nito. Pero gumagawa pa rin siya ng ibang paraan tulad nang pagpapabigay ng flowers at chocolates na special de abot na lang ng guard. O paghahatid ng ulam sa boarding house.

Hanggang sa fb ay pina-follow niya ito at dinidiskartehan kahit hindi niya ito forte.

Hindi naman maitago ni Lanie ang lungkot sa ginagawa niyang pag-iwas sa binata.

Isang umaga. Maaga siyang nagising at nagkape. Nilapitan siya ni Red na mas maaga sa kanya.

“Sabado ngayon, walang pasok, bakit ang aga mong gumi­sing?” tanong ni Red habang hinahalo ang sariling kape.

“Hindi ko alam…nagising na ko eh…hindi na ako makabalik sa tulog.”

“Parang pag-ibig lang yan…kapag ina­yawan mo, isang umaga magigising ka na lang na wala na pala…at hindi mo na pwedeng balikan…”

Napaisip si Lanie.

“P-parang may ibig sabihin ka do’n Sis Red ah…”

“Oh hindi ka naman pala manhid eh…gano’n din ako, matalas ang pakiramdam ko, alam ko kung nagsasabi ng totoo ang kausap ko o hindi.” (Itutuloy)