Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

(Ika-17 na labas)

“Okay, kung meron kayong gustong sabihin, makikinig ang lahat, sino ang mauuna?”
Nagpapakiramdaman pa sila.

Si Mhae ang tumayo.

“Mga sisterets, halos lahat naman tayo dito nagkagusto kay Justin o kung di naman kaya’y humanga, e talaga naman kasing gwapo siya at mabait, pero hindi naman ibig sabihin no’n, masisira ang friendship na sinimulan natin dahil sa kanya diba?”

“Korek! At dahil wala na rin akong pag-asa kay Justin, back to food trip na lang muna ulit ako!” si Jhona.

“Basta ako faithful ako sa Canadian bf ko.”

“Alam na namin ‘yon.” Sabay sabay na sagot ng magkakaibigan.

“Ako rin, loyal ako sa pinoy bf ko.”

“Alam na rin namin ‘yon!” sabay sabay uling sagot ng magkakaibigan.

Si Vanessa naman ang humirit.

“Ako ang masasabi ko lang, may the best girl win, at ngayong may nanalo na, accept ko na lang at inaasahan ko na ganoon din kayo.”

Matapos magsalita ni Vanessa ay sumingit naman si Shiela.

“Kung kailangan nyo ng kaibigan, nandito lang ako.” Mala-robot na sabi nito.

Hindi nila maiwasang mapangiti sa sinabi ni Shiela.

“Gets ka na namin Shiela, pero mga sisterets, pasalamat tayo kay mamu, kung hindi dahil sa kondisyon niya sa pakikipaglaro ng chess kay Justin e baka hanggang ngayon wala pa tayong clue kung sino ba talaga ang nagugustuhan ni Justin, at least ngayon alam na natin kung saan natin ilu­lugar ang mga sarili natin sa kanya, lalo na kayong mga nangungursunada sa kanya. Ang hirap kayang umasa!” mahabang litanya ni Red.

“Oo nga pala, speaking of mamu, pinapasabi niya sa’yo Sis Lanie na be true to yourself daw.And sana raw pagbalik niya alam na niya ang sagot.”

Wala pa ring kibo ang tatlong mas apektado. Tumango lang si Lanie kay Mhae.

“O Bhing, Julie, Lanie, wala ba kayong gustong sabihin?” muling tanong ni Red.

Saglit na nag-isip si Lanie. Para sa ikapapanatag ng lahat ay isang desisyon ang napili niya.

“Girls, hindi naman porket gusto ako ni Justin e gusto ko na rin siya…Oo, naiilang na’ko, kasi alam ko na gusto nyo siya…kung may magagawa lang nga ba’ko eh…”

Nagkatinginan sina Bhing at Julie bago nagsa­lita ang una.

“Ibig bang sabihin babastedin mo na siya?”
“Hindi.”

“E di gusto mo rin siya!” himutok ni Julie.

“Paano ko naman siya babastedin kung hindi naman siya nangliligaw sa’kin?”

Natawa ang ilan sa kanila.

“So, pag nanligaw siya sa’yo babastedin mo na siya agad-agad?” tanong naman ni Mhae.

“Ahm…oo.”

“Galing sa ilong.” Singit ni Shiela.

“Oo nga, kasi…wala naman akong feelings para sa kanya eh…”

Parang nabunutan ng tinik sina Bhing at Julie sa narinig. Pero hindi sila kumbinsido.

“Mag-swear ka nga kung totoo na wala ka talagang feelings for him.” Paniniyak ni Julie.

Biglang nagkaroon ng pag-aalinlangang magswear si Lanie dahil nagsisinungaling lang siya.

Related Posts

Pero paninindigan na niya iyon alang-alang sa friendship nila.

“O-Okay…I swear…” sabay cross the heart pa niyang sabi.

“Teka muna, what if magkagusto rin si Lanie kay Justin, magagalit ba kayo sa kanya mga siste­rets?” naisip itanong ni Red na ang pinatutungkulan ay sina Julie at Bhing.

“H-hindi naman Sis Red, I mean, Oo, nagseselos ako, at siguro ganoon din si Bhing, pero ang ikinakainis namin ay yung hindi namin alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Lanie…” paliwanag ni Julie.

“So ngayong alam na nating lahat na wala naman pala siyang gusto kay Justin, it means okay na ba tayong lahat?” tanong ni Mhae.

Sasagot pa sana si Lanie nang biglang may bumungad sa pintuan at mapalingon silang lahat.

“MAMITA!” sabay sabay nilang sabi.

“Hi girls!” balik bati nito sa kanila.

Tumayo agad ang magkapatid na Julie at Jhona. Si Mrs. Divine Tarozza Abucay ang ina nila at tinatawag na mamita ng magkakaibigan.

“Mamits, bakit di ka nagsabing darating ka?” tanong ni Jhona sa ina matapos makipagbeso.
Nakipagbeso rin si Julie sa ina.

“Biglaan lang, alam nyo naman kapag nagpaplano akong dalawin kayo dito eh palaging hindi ako natutuloy!”

“Mamita, may dala ka bang pagkain, nagutom kami sa kuwentuhan namin eh!”

“Oo naman, magpu-food trip tayo maghapon!” sabay abot nito sa mga anak ng bitbit na malaking bag na puro pagkain ang laman.

“Wow!” nanlalaki ang mga mata ni Jhona.

Kahit katatapos lang mag-almusal ay inum­pisahan na agad ng magkakaibigan na lutuin ang mga dala ni Mamita. Inadobo nila ang manok , niluto ang pansit at gumawa ng vegetable salad.

“Wow, parang may handaan ah!” excited na sabi ni Vanessa na siyang nagdedecorate sa vegetable salad nila.

“Celebration ito para sa pagkakaayos nila Lanie, Bhing at Julie!” sagot ni Red.

“Selebrasyon din sa pagdating ni Mamita.” Singit ni Shiela.

“At sa pagbabalik ni mamu?” sagot na patanong ni Mhae nang makita ang paparating na ina mula sa bintana ng kusina.

Sinalubong niya ang ina.

“O, mamu, may nakalimutan po ba kayo?”

“Bunso…”

Lungkot ang rumehistro sa mukha ng ina.

“Parang alam ko na…nag-away na naman po kayo ni papu no?”

Tila maiiyak pang tumango si Mamu Marissa. Agad naman siyang niyakap ni Mhae.

“Tara na po sa loob ma, maiintindihan naman nila kung dito muna kayo matutulog.”
“Matutulog?”

“Opo mamu, bakit po?”

“Anak, ang balak ko sana eh, dito muna ako ng ilang araw kung pwede?”

Napakamot sa ulo si Mhae.

“E, mamu baka hanapin po kayo ni papu…”

“Wapakels ako kahit hanapin pa niya ko sa ibang bansa, feeling ko kasi hindi ako makaka- move on ng isang gabi lang.”

“Ano po bang pinag-awayan nyo ni papu?”

“Kasi nalaman kong may bago siyang ka-chat sa fb, at honey pa ang tawag niya.”

Hindi alam ni Mhae kung matatawa siya o maiinis sa mga magulang. (Itutuloy)