Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

(Ika-16 na labas)

“Veneracion po.” Pagko-correct ng binata.

“Ok, whatever, now tell me.”

“Pwede po bang ibulong ko na lang sa inyo?”

Hindi sinagot ni Mamu Marissa si Justin, sa halip ay hinila niya ito sa isang sulok.

“Alam mo hijo, life is short, kung may natiti­puhan ka sa kanila, go tell them. Wag ka nang magpatumpik-tumpik pa, kasi it’s either maunahan ka ng iba or may mapaasa kang iba, parehong masakit ‘yon.”

“Eh, how did you know?”

“Basta alam ko lang. Sa edad ko ba namang ito.”

Pagbalik nila sa magkakaibigan ay napilitan si Justin na umamin.

“Girls, I like all of you…as friends…but there is someone here na special sa’kin…I don’t want to ruin our friendship, pero naniniwala ako kay mamu sa sinabi niya na life is short…”
“Sabihin mo na…inaantok na kasi ako…” ­singit ni Shiela sa mas mabagal pang pagsasalita sabay hikab.

“Okay, it’s her…” sabay turo ni Justin kay Lanie na siyang nasa likuran nila.

Pakiramdam ni Lanie ay biglang ­nag-awitan ang mga anghel sa langit, nagliparan ang mga ­paruparo at mga ibon, at sabay-sabay nagputukan ang mga fireworks habang tumutugtog ng malakas ang orchestra.

Para namang nabarahan ang lalamunan ni ­Julie. Hindi siya makalunok sa narinig. Tila nabingi ­namang kinalikot pa ni Bhing ng daliri ang ­sariling teynga.

Lahat sila ay hindi makapaniwala pero ­kailangan nilang maniwala.

“Sorry Lanie, I didn’t mean to feel this way. And I don’t have any bad intention, I still want this friendship… all of you… I hope na hindi ito makasira sa atin.”

Lumapit si Red at inakbayan si Justin.

“Alam mo, actually natutuwa nga kami kasi nagpakatotoo ka sa nararamdaman mo, pero sana lang kung anuman yung maging desisyon ng sisteret naming si Lanie ay hindi rin makaapekto sa friendship natin.”

“Yeah, of course, I’m willing to wait, win or lose.” Paniniguro ni Justin.

Dahil walang maisip sabihin ay walk out na lang muna ang drama ni Lanie. Nagkulong siya sa kuwarto. Masaya siya deep in her heart. Pero ­hindi niya maiwasan ang mangamba.

Paano niya haharapin ngayon ang mga kaibigan niya lalo na sina Julie at Bhing. At makakatingin pa ba siya ng diretso kay Justin, baka ipagkanulo siya ng sariling mga mata kahit pagtakpan pa siya ng kanyang bibig.

Ibinagsak ni Lanie ang katawan sa kama.

“Oh Lord, bakit ang bilis bilis naman ng mga pangyayari, parang sa isang iglap eto na agad ang sitwasyon?”

Makalipas pa ang ilang saglit ay sunud-­sunod na katok ang narinig ni Lanie mula sa pintuan. ­Hindi muna niya iyon binuksan pero nagpaulit-ulit lang ang katok. Kaya napilitan siyang tumayo para buksan iyon.

Nakatayo silang lahat sa pintuan na tila naka­pila.

“Gusto lang naming malaman mo na dyan din ang kuwarto namin, kaya kung balak mong magkulong doon na lang sa loob ng aparador mo, solo mo ‘yon.” Mataray na sabi ni Julie na siyang naka­bungad.

“Ahm, sis, pasensya ka na kay Julie malakas yata ang mens niya ngayon.” Sabay siko ni Mhae kay Julie.

“Wala akong mens, totoo lang naman ang ­sinabi ko ah, di tulad ng iba diyan, ayaw magpakatotoo sa feelings niya.” Sabay talikod ni Julie sa kanila. ­Sinundan siya ni Bhing.

“Lanie, wag mo na lang silang pansinin, mga ­indespair lang ‘yan kay Justin.” Ani Red.

“Siyanga pala, umuwi na si Justin, worried siya sa pagwalk out mo.”

Related Posts

Pumasok si Lanie sa loob ng kuwarto at sinundan siya ng mga kaibigan maliban kina Bhing at Julie.

Naupo si Mhae sa tabi niya.

“Ang swerte mo sis, ikaw pala ang gusto niya, type ko rin siya kaya lang wala na akong pag-asa!” natatawang sabi ni Mhae.

“Ang tanong…siya kaya susuwertehin sa’yo?” singit ni Shiela.

“Huy, grabe ka naman, anong ibig mong sabihin?” balik tanong ni Mhae kay Shiela.

“Kapag binasted niya si Justin diba malas ang tawag don?”

Muling bumaling si Mhae kay Lanie.

“E sis, ano nga ba ang lagay ni Justin sa’yo? Malas ba talaga o suwerte?”

“Alam nyo mga sisterets, hindi ko pa alam, hindi pa ako maka-get over sa pagtatapat niya sa harapan ninyong lahat, at mas lalong hindi ko pa alam kung anong mararamdaman ko para sa kanya.”

Lumapit si Jha.

“Mga ate, since hindi pa naman alam ni Ate Lanie ang solusyon sa problema niya, pwede bang yung problema ko muna ang hanapan nyo ng solusyon?”

Sabay-sabay silang napatingin kay Jha.

“Pera ba ‘yan?” halos sabay sabay din nilang tanong.

Nahihiya man ay marahang tumango si Jha.

“Bakit na naman?” tanong ni Mayla.

“Kulang kasi sa pang-tuition ang kapatid ko kaya gusto ni nanay na magpadala ulit ako…kaso wala na akong ipapadala, next week pa ang sahod ko…”

Pagkasabi ni Jha sa problema niya ay tumingin silang lahat kay Vanessa.

“Okay fine, oo na, sige na, pahihiramin na kita ng pera Jha, pasalamat ka may natatabi pa’ko!”

Hindi napigilan ni Jha ang sarili, niyakap niya si Vanessa sa sobrang tuwa.

“Asus, makayakap wagas! Yung last n jutang mo sa’kin di mo pa nababayaran!” biro ni Vanessa.

“Promise pag nakaluwag ako ate!”

Simula nang masabi ni Justin ang nararamdaman niya, kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Subalit simula naman iyon nang pagi­ging mailap sa kanya ni Lanie. At naging simula rin iyon nang pader sa pagitan ng tatlong magka­kaibigan.

Palaging mas nauunang pumasok sina Bhing at Julie sa opisina. At hindi rin sila nagkikibuan pagdating doon. Hanggang sa pag-uwi sa bahay. ­Napansin iyon ni Red.

Almusal. Tahimik ang lahat sa pagkain.

“Mga siterets, may silent war bang nagaganap dito?” tanong ni Red.

Nagkatinginan sina Bhing at Julie. Nanatili ­namang nakayuko si Lanie sa pagkain.

“Okay, so tungkol ba it okay Justin?”
Wala pa ring sumagot.

“Girls, pwede naman nating pag-usapan ito diba? After ng almusal okay?”

Wala pa ring tugon.

Matapos ang agahan ay sapilitang tinipon ni Red ang mga kaibigan sa salas. (Itutuloy)