Una sa Balita

This guy is mine

By
0 539

(Ika-15 na labas)

Walang sumagot o nagtaas man lang ng kamay.

“So, is that mean na ayaw n’yo or walang marunong?” may kabang tanong ng binata.

Tahimik lang si Lanie sa isang sulok. Lumapit si Julie sa binata.

“Gusto ko mang labanan ka, pero sad to say, dama lang ang alam ko!”

“Ako naman solitaire.” Si Bhing.

“At ako tong-its!” singit naman ni Jhona.

Tumingin si Justin kay Shiela.

“‘Wag ako, natalo mo na ako sa basketball kanina, ayoko nang matalo sa ikalawang pagkakataon.” Pauna ni Shiela.

“Pwede ka namang rumesbak!” natatawang sabi ni Justin.

Umiling si Shiela.

“Paano kita mare­res­bakan sa chess kung hindi ako marunong?” “Ako, ako ang haharap sa’yo sa chess!”

Napalingon silang lahat kay Mamu Marissa na mula sa kusina. Hindi pa kasi ito nakauwi dahil gusto raw matulog ng isang gabi sa boarding house.

“G-good evening po.” Bati ni Justin.

“Good evening din sa’yo hijo!”

Related Posts

So let’s play?” tanong ng binata na tila nahihiya.

“Okay, pero hindi lang tayo basta magla­laro, dapat may kondisyon.”

“Ano pong kondisyon?”

“Kapag nanalo ka sa’kin, ililibre ko kayo ng pizza, pero kapag ako ang nanalo, kaila­ngan sabihin mo sa akin kung sino ang natitipuhan mo sa mga magkakaibigang ito!”

“MAMU!” sabay-sabay nilang reaksyon.

Napalunok naman si Justin.

“But, we’re all friends here!” apela ng binata.

“Papunta pa lang kayo, pabalik na ako, kaya alam ko at ramdam ko kung merong nagugustuhan ang isang binatang tulad mo.”

Napakamot sa ulo si Justin, never pa siyang tumanggi sa mga challenge kaya naman…
“Okay mamu, then I’ll tell you…”

Nagkatinginan naman ang magkakaibigan. Iisa ang nasa isip, ibig sabihin nga ay may nagugustuhan talaga si Justin sa kanila.

Nagsimula na ang laro. Cool lang ang iba habang sina Julie at ­Bhing ay matindi ang panalangin na sana ay sila ang natitipuhan ni Justin at hindi si Lanie. Si Lanie naman ay kabado rin pero pilit pinapakalma ang loob. Ayaw niyang ipakita o iparamdam man lang kahit kanino ang nasa sa loob niya.

Sa umpisa ay chill lang din si Justin. Kampante siyang matatalo niya ang kalaban. Pero sa tinatakbo ng laro ay nahaharangan na nito lahat ang mga tira niya at mukhang masusukol siya. Kaya naman nag-umpisa na ring lumapot ang pawis niya.

Hanggang sa…

“Checkmate!” sigaw ni mamu.

Namula si Justin.

“So pa’no Justin Timberlake, Biever?” (Itutuloy)