Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

(Ika-14 na labas)

“Hindi naman po sa gano’n, maaga rin naman silang nagigising kasi nga po may pasok everyday, since Sunday naman ngayon kaya hinahayaan ko na lang silang i-enjoy ang pagtulog nila.” Depensa ni Red sa mga kaibigan.

“Ang sabihin mo kinukunsinti mo ‘yang mga kaibigan mo, hala sige gisingin mo na sila lalo na ‘yang anak kong si Mhae, hindi mo dapat ­kinukunsinti yan!” litanya pa ni Mamu Marissa habang sige ang pagtsetsek sa mga alika­bok ng bawat display.

Sinunod naman ni Red ang sinabi nito at unang-una na niyang ginising si Mhae.

“Mhae, andyan ang mamu mo!”

Napabalikwas ng bangon si Mhae.

“Talaga? Pero hindi naman siya nag-text na darating siya!”

“Para namang hindi mo kabisado ‘yang mamu mo, bigla na lang sumusulpot, parang kabute!”

Dali-daling inayos ni Mhae ang sarili bago lumabas ng silid.

“Mhae, di ba sinabi ko naman sa’yo na dapat palagi kang maagang gigising para hindi ka nauubusan ng biyaya?”

“Mamu buti pa po kain muna tayo, mamaya na po ang sermon.”

“E nasaan ang mga kaibigan mo? Kailangan sabay-sabay kakain.”

Habang nag-aalmu­sal ay sige ang litanya ni Mamu Marissa sa magkakaibigan.

“Hindi na kayo mga bata dapat alam nyo na lahat ang mga tamang gawi, tingnan nyo itong boarding house nyo, aba’y ang dami nyo ng boarders na alikabok dito ah, hindi lang sa problema dapat nagtutulungan, dapat sa paglilinis rin ng tinitirhan nyo!”

Nagpapalitan na lang ng tingin ang magkakaibigan. Bagama’t nahihiya si Mhae ay ipinapalagay na lang niyang kabisado na ng mga kaibigan ang mudra niya. Ganito na kasi talaga ang mudra niya kada bisita nito sa kanila. Maglili­tanya, magkukuwento, at maglilitanya ulit. Walang kapaguran ang bibig.

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring mata ni Shiela ang tila malamig na hangin sa pagitan nina Julie, Bhing at Lanie. Kaya matapos kumain ay nilapitan niya si Mhae na naghuhugas ng mga plato.

“Mhae, napansin mo ba?” mabagal ang salitang tanong ni Shiela.

“Na hindi pa umaalis si mudrakels?”

“Hindi, yung tatlo, parang nag-iiwasan.”

“Sinong tatlo?”

Inginuso ni ­Shiela si Bhing na nagbabasa ng magazine sa sofa, si ­Julie na nakasimangot ­habang nagcecelphone, at si Lanie na walang imik habang pinapalitan ang flowers sa vase.

“Ah, silang tatlo, hindi naman siguro, tingan mo oh may kanya-kanya lang silang pinagkakaabalahan.”

“Hindi ‘yon ang tingin ko, di ba dapat masaya silang nagkukuwentuhan ngayon tungkol sa party at di ba dapat sine-share nila sa’tin ang mga ganap kagabi?”

Napaisip si Mhae.

“Oo nga ano, tulad nung Christmas party nila at nung Valentines… pero ngayon mga tahimik sila… bakit kaya?”

“Siguro dahil kay ­Justin.”

“Ha? Bakit naman?”

“Ewan ko… pero ­aalamin ko…”

Related Posts

“Tatanungin mo sila?”

“Hindi sila…”

Hindi nga sa tatlong kaibigan nag-usisa si Shiela kundi kay Justin.

“O Shiela, what are you doing here, Is there anything I can do for you?” tanong ni Justin na naglilinis ng kotse.

“Wala naman, wala kasi akong makalaro, nagbabasketball ka ba?”

Napatigil si Justin sa ginagawa.

“Teka, ‘wag mong sabihing nagbabasketball ka?”

“Bakit akala mo ba lalaki lang ang marunong magbasketball?”

“Hindi naman sa gano’n, actually may mga kilala akong babae na marunong magbasketball, nabigla lang ako, wala kasi sa tipo mo.” Nakatawang sabi ni Justin.

“Wala ba? Madalas nga akong mapagkamalang tomboy. Lalo na at hindi ako palaimik na tao.”

“But you’re not a tomboy right?”

“Right. Kompor­table lang talaga ako sa maigsing buhok, mabagal pananalita at pagkilos pero babae po ako.”

“Okay, no question, so let’s play! Sa likod ng apartment ko may ikinabit akong ring.”

Habang nagbabasketball ay panay usisa ni Shiela tungkol sa mga ganap sa party kagabi.

Masaya namang nagkuwento si Justin. At dahil inspired siya, kaya panay ang shoot ng bola niya sa ring.

“Okay, panalo ka na.” si Shiela.

“Bawi ka na lang next time!” natatawang ani Justin.

“Congrats! Panalo ka rin sa puso nila.”

“What?”

“Ang ibig kong sabi­hin, nakuha mo ang tiwala nila, naming magkakaibigan, kaya sana ingatan mo.”

“Sure. No prob.”

Inihagis ni Shiela ang bola kay Justin at nagpaalam na ito.

Pagbalik sa boar­ding house ay hinanap agad ni Shiela si Mhae at sinabi dito ang nalaman.
“Hmm, mukhang something smell fishy sa tatlo ah…dapat ma­so­lusyunan agad natin ‘yan…” ani Mhae.

“Oo, pero unahin mo munang ­solusyunan ang mamu mo, kasi an­dun siya sa garden natin, ina-arrange na naman ang mga hala­man, nahihilo na sa kanya pati ang mga paruparo.”
Napailing at natawa si Mhae.

Gabi. Kumatok si Justin sa boar­ding house. Nagulat si ­Vanessa na siyang nagbukas ng pinto.

“Justin!”

“Hello, good evening, can I come in?”

“Yeah, sure, ano ba ‘yang dala mo?”

“Bored kasi ako sa apartment mag-isa eh, kaya naisip ko na ayain kayong mag-chess, so who wants to play?” (Itutuloy)