Una sa Balita

This guy is mine

By
0 504

Ika-12 na labas

Deep inside ay naka­dama ng selos ang dalawa. Sa mga dance kasi ay pareho silang bet ni Justin pero bakit pagdating sa love song ay naging si Lanie na ang bet nito?

Nabigla si Lanie nang lumapit sa kanya si Justin.

“Shall we dance?”

“H-ha?” Napatingin si Lanie kina Julie at Bhing. Hindi niya matiyak kung ano ang nasa isip ng mga ito.

“Don’t worry nagpaalam ako sa kanila.” Ani Justin na nahalata ang hindi niya pagkakomportable.

“O-okay.” Napipilitang sagot ng dalaga.

Nakahinga na rin ng maluwag si Justin, akala kasi niya ay mapapahiya siya.

Sa paglalapat ng kanilang mga kamay ay kapwa sila may kakaibang naramdaman na nagpabilis sa tibok ng kanilang mga puso.

Idinantay ni Lanie ang mga kamay niya sa balikat ni Justin habang ang mga kamay ng binata ay humapit naman sa beywang niya. At sa saliw ng madamda­ming awitin ay nagpatangay sila sa musika ng umuusbong na pag-ibig. Hindi man sabihin ng kanilang bibig ay inihahayag naman ng kanilang mga mata ang natatagong pagtatangi sa isa’t isa.

Inggit na inggit naman sina Bhing at ­Julie sa nakikita nilang sweetness ng dalawa sa dancefloor.

“Manay Bhing, uwian na, may nanalo na!” Malungkot na biro ni Julie.

“’Wag muna ­tayong sumuko, sayaw pa lang ‘yan, wala pang ligawan… hindi pa sila magjowa…”

“kKahit na, gano’n na rin ‘yon…”

“Sige na nga, sumuko ka na, para mabawasan ang kalaban ko sa puso ni Justin…” kunwa’y humihikbi pang sabi ni Bhing.

“Huy! Nagbago na ang isip ko hindi pa pala ako susuko!”

“Sumuko ka na!” Biro pa ni Bhing.

“Never!” Matigas na sagot naman ni Julie.

“Sige na please, sumuko ka na!”

“No way!”

“E ‘di wow!”

“E ‘di wow din! May the best girl win!”

“Ako ‘yon!”

“Hindi ikaw, ako!”

Habang patuloy sa pagtatalo ang dalawa ay patuloy rin ang overload sweetness sa pagitan nina Justin at Lanie kahit paki­ramdaman lang ang mga ito.

Nang matapos ang tugtog ay inihatid na ni Justin si Lanie sa upuan nito at binalikan sina ­Julie at Bhing.

“Wow Justin, muk­hang enjoy na enjoy kayo ni Lanie sa sweet dance n’yo ha.” Ani ­Julie. Siniko siya ni Bhing at binulungan.

Related Posts

“’Wag mong ipahalatang bitter ka.”

“Halata ba? Hindi naman ah…” pabulong na tugon din ni Julie.

“Girls, I’m enjoying this party with you, all of you. Kaya thankful talaga ko sa pag-invite n’yo sa’kin dito.” Sagot naman ni Justin.

“Talaga?” sabay pang tanong ng dalawa.

“Yes. Really.”

Pinilit naman ni Lanie na iwasan na si Justin sa gabing ‘yon kasi ayaw niyang magdamdam sina Julie at Bhing dahil sila ang ka-date ni Justin.

Okay na sigurong napagbigyan niya ito ng isang sayaw. O baka naman kasi pa-konsuwelo lang din ito ni Justin sa kanya dahil alam nitong wala siyang ka-date.

Bumawi naman si Justin sa dalawa. Nang muling tumugtog ang sweet song ay isina­yaw niya rin ang mga ito. Kaya naman kilig to the bones ang mga dalaga.

Ang hindi lang nila inaasahan ay kung paano pipiliin ang couple of the night. Kaya nabigla sila nang i-announce sa mic kung sino ang napili.

“Ladies and gentlemen… nakapili na po ang ating mga ­judges para sa tatanghaling Couple of the night! At pinili po nila ito mula sa mga nakita nilang nagsa­yaw ng sweet kanina sa dancefloor!” excited na sabi ng host na babae.

Pagkasabi niyon ay ipinakita sa malaking projector ang video ng mga nagsayaw.

“So, meaning, hindi lang po ang mga may ka-date ang nabigyan ng pag-asa rito!”

Parehong umaasa sina Bhing at Julie na mapili sila dahil pareho rin naman silang naisayaw ni Justin.

Subalit…

“And now, here is the result… the sweetest and the most ­lovable pair, ladies and gentlemen, let’s watch this…”

Tumutok ang lahat sa video. Iba’t ibang anggulo ng pagsasayaw nina Justin at Lanie ang kinunan nang ‘di nila alam. Lahat ay napa­hanga.

Nanlamig naman si Lanie sa nakita. Gusto niyang matuwa pero hindi niya magawa dahil inaalala niya ang dalawang kaibigan. Kabado siyang tumi­ngin sa mga ito na pareho na rin palang nakatingin sa kanya na kapwa tila may question mark sa mga mata.

Kakaibang saya naman ang naramdaman ni Justin sa mga sandaling iyon. Hindi niya maipaliwanag. Lalo na nang anyayahan silang umakyat sa stage para tanggapin ang award.

Nilapitan niya si Lanie at maginoong kinuha ang kamay nito para alalayan sa pagtayo hanggang sa pag­lalakad. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi sila makatingin ng diretso sa isa’t isa. Biglang nagkaroon ng ilangan feelings.

“Hello, Mr. and Ms?”

“I’m Justin.”

“And I’m Lanie.”

“Oh, Lanie Cabrera, yeah kilala kita, nagkasama tayo sa iisang department dati!”

“Oo naman, I know you Jho.”

Nagbeso pa ang da­lawang babae.

“Okay, Justin and Lanie, are you really a couple?” maluwang ang pagkakangiting tanong ni Jho.

Nagkatinginan ang dalawa at natawa.

“No, magkaibigan lang kami,” Maagap na sagot ni Lanie.

“Really? Hindi ha­lata, kasi mas mukha kayong magjowa kaysa magkaibigan!” pang-ook­ray ng host. (Itutuloy)