Una sa Balita

This guy is mine

By
0 539

Ika-11 na labas

Ngumiti na rin si Bhing na nasa tabi ng driver.

Dumating na ang gabing ­pinakahihintay nina Julie, Bhing at Lanie. Nagulat pa sila nang ­makita nilang naghihintay na si Justin sa tabi ng kotse nito sa harap ng boarding house nila. Naka-black coat and tie ito. Nag-uuna­han sa pag­labas sina Bhing at ­Julie, si ­Bhing ay naka-­red dress na may silver flower design sa bandang dibdib ­habang si Julie naman ay plain black sexy dress ang suot. Si Lanie ang hu­ling lumabas na naka-blue dress with her scarf na binili ni Justin.

Hindi maiwasan ni Justin ang paghanga sa ­simpleng-simpleng kagandahan ni Lanie na angat sa mga kaibi­gan nito. Si Lanie ang pinaupo niya sa tabi niya kaya naman nagbubulungan sina Julie at Bhing sa backseat.

“Sino ba talaga ang date niya, tayo o si Lanie?” Bulong ni Julie.

“Sssh, ‘yaan mo na, mamaya naman sa atin si Justin.” Mahina ring tugon ni Bhing.

“Girls, okay lang ba kayo diyan?” Tanong ni Justin sa dalawa.

“Yup, we’re okay.” Sagot ni Bhing.

“All of you look so gorgeous tonight.”

“Tonight lang?” Hirit na biro ni Julie.

“Well, everyday, but tonight you look more ­gorgeous!” Natatawang sagot ni Justin.

Hindi naman maka­hinga si Lanie sa sobrang kaba habang katabi niya sa upuan si Justin.

Related Posts

Pero pinipilit niya ang sarili na kumalma at magpaka-dalaga sa harap nito.

Maya-maya pa ay papasok na sila sa ­maluwang na bulwagan na pagdarausan ng anniversary ­party ng kompanya. Parehong nakaabrisyete sina Julie at Bhing kay Justin sa kaliwa’t kanang braso nito. Kaya naman katakut-takot na kantyaw mula sa mga kasamahan nila sa trabaho ang inabot ng ­dalawa, pero deadma lang sila dahil mas feel nila ang ­pagiging ka-date ni Justin.

Deadma lang din si Lanie na palihim na nata­tawa sa inaakto ng dalawang kaibigan.

Naupo sina Bhing, Julie at Justin sa iisang ­table, habang si Lanie naman ay hinila ng isa sa mga kasamahan nila para maki-join sa table naman ng mga ito. Sa table ng mga walang partner.

“Lanie, ano bang nangyari do’n kina Julie at ­Bhing, wala na ba silang ibang makuha kaya nag­hati na lang sila do’n sa papa ball nilang kasama?”

“Actually idea ko ‘yan na pareho na lang sila, kasi… ahm, wala naman silang ibang maaaya.”

“E bakit hindi na lang nagparaya ang isa, tulad mo wala ka naman date ‘di ba?”

“E kasi nga pareho nilang gusto na may ka-date sila ngayon, baka umaasam ng prize!” Biro ni Lanie sa mga kasamahan.

“Kunsabagay, ako nga rin eh, gusto ko rin ng prize, kaya lang bigo ako makahanap ng date lalo pa’t kaka-break lang namin ng jowa ko!” Malungkot na sabi ng isa.

Habang ­lumalalim ay gabi ay parami na rin nang parami ang naiinom ni Lanie. Pasulyap-­sulyap lang siya sa mga kaibi­gan na ine-enjoy ang party kasama si Justin. Sa tingin niya ay ­nag-eenjoy rin naman ang binata kaya kuntento na siya sa kinau­upuan niya kasama ang iba pa.

Nang tumugtog ang isang love song ay nagkatinginan sina Julie at Bhing. Nag-abang kung sino sa kanila ang isasayaw ni Justin. Subalit pareho silang nagulat nang tumayo ito at nagpaalam sa kanila.

“Girls, isasayaw ko muna si Lanie, look at her mukhang hindi siya nag-e-enjoy sa party.”
Sabay namang ti­ningnan ng dalawa ang kaibi­gan na nasa ‘di kalayuang table sa kanila.

“O-oo nga, sige la­pitan mo na siya…” ani Julie. (Itutuloy)