Una sa Balita

Guwardiya na tutor sa mag-aaral viral sa FB

0 636

HINANGAAN ng mga netizen ang isang security guard sa Tagbilaran City, Bohol dahil sa pagtulong niya sa mga estudyante na sagutan ang math problem.

Sa Facebook post ni Thelma Gelbolingo, makikita dito ang larawan ng security guard ng isang pawnshop na nagtuturo sa apat na batang mag-aaral.
Nahihirapan daw ang apat na estudyante sa kanilang math subject kaya’t tumulong ang security guard na sagutan ito.

Sa pagmamadali ni Gelboli­ngo, hindi niya nakuha ang pangalan ng guard kundi kinuhaan na lamang niya ng litrato ang nadatnan niyang eksena sa pawnshop.

Ayon kay Gelbolingo, naantig siya sa ginawa ng security guard dahil kahit abala ito sa kanyang trabaho sa pagbabantay ng pawnshop ay nagawa pa nitong tulungan ang apat na mag-aaral na nahihirapan sa kanilang subject.

Naniniwala pa si Gelboli­ngo na hindi kaano-ano ng guwardiya ang apat na mag-aaral.

Umani ng higit 3,000 shares at 9,000 reaction ang pinost ng Boholana.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy