Una sa Balita

Guwapong teen actor napipilitang magpa-sweet kay hindi kagandahang girl para sa mga fan

By
0 3,038

Nalito ako sa kuwentong narinig ko tungkol sa magka-love team na ito.

Si girl kasi, hindi naman kagandahan talaga at si boy, talaga namang guwapo, kaya marami ang nagdududa kung talaga bang in love si lalaki kay babae.

May isang nakasama sila nang mag-apply sila ng visa para sa isa nilang out of the country show at kinilig siya nang makitang nakasandal si girl sa balikat ni boy habang natutulog siya on their way sa embassy.

Feeling ng nakakita sa kanila, may relasyon talaga ang dalawa dahil sweet nga raw ang dalawa.

Pero iba naman ang kuwento ng isang artistang close sa dalawa. Wala raw relasyon talaga ang magka-love team at kaya sweet ang dalawa kapag may mga nakakakita ay dahil pinayuhan niya ang mga ito na dapat sakyan ang gusto ng mga fan.

Dapat daw na magmukhang may relasyon talaga sila para mas kiligin ang mga fan at ma­ging matagumpay pa ang kanilang loveteam.

Sa isang reality TV show nga pala nabuo ang kilig ng mga fan sa magka-love team na tinutukoy ko sa kuwentong ito. 

JM de Guzman malabong bumalik sa pagdodroga

Puring-puri ng ABS-CBN comedian na si Eric Nicolas si JM de Guzman na kasama niya sa isang afternoon series ng Kapamilya network. Napakabait daw ni JM.

Nang tanungin ko si Eric kung sa tingin ba niya ay tuloy-tuloy na ang pagpapakatino ni JM, positive naman ang tanong niya.

“Sa nakikita ko kay JM, mukhang masaya na siya sa buhay niya, kaya imposible nang bumalik siya sa dating bisyo,” sey ni Eric.

Sa set daw, very friendly ni JM.

“Masaya kami palagi sa set. Nagkakantahan pa. May pagkakataon pa na si JM mismo ‘yung nagpapabili ng food para sa lahat. Very cool lang kami sa set,” sabi pa ni Eric.

Well, nice to know naman na hindi nasasayang ang another chance na ibinigay ng ABS-CBN management kay JM, huh!