Una sa Balita

Gutoc nangampanya sa mga kapwa bakwit

By
0 536

NAGING emosyonal ang peace advocate na si Samira Gutoc noong siya ay muling humarap sa kanyang mga kababayan sa Balo-i, Lanao del Norte para sa kanyang proclamation rally para pagka-­senador sa ilalim ng Otso Diretso slate.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Samira na nais niyang gawin ang kanyang unang sariling proclamation rally sa piling ng kanyang mga kapwa taga-Lanao.

Matatandaan na si Samira ay naghayag ng kanyang emosyonal na apela sa Kongreso na itigil na ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao dahil lalo lamang naaabuso ang mga kapwa niya bakwit sa Marawi.

Noong panahon ding iyon, nagbitiw si ­Samira bilang miyembro ng Bangsamoro Transition ­Commission bilang protesta sa rape joke ni ­Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung siya ay mahalal sa Senado, layunin ni ­Samira na isulong ang karapatan ng mga ­kababayan niyang Muslim na aniya’y nae-etsapuwera sa lipunan, partikular na ang mga kababaihan.

Maliban kay Gutoc, kabilang din sa mga ­kandidato ng Otso Diretso slate ang mga baguhan din sa politika na sina dating Solicitor General Florin Hilbay, iginagalang na human rights lawyer na si Chel Diokno, at beteranong election lawyer na si Romy Macalintal; Sen. Bam Aquino at Magdalo Rep. Gary Alejano; at ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating Deputy Speaker Erin Tañada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More