Una sa Balita

Gutoc kay Imee: Husay sapaw sa kasinungalingan

0 409

BINUWELTAHAN ng Otso Diretso­ candidate na si Samira Gutoc si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa pagtatangka nitong depensahan ang sarili sa gitna ng kontrobersiya kung talaga bang nakatapos siya ng pag-aaral.

Ayon kay Gutoc, mahalaga na mapagkakatiwalaan ang isang tumatakbong senador. Para sa kaniya, mahirap itong gawin sa mga tulad ni Imee, matapos makailang-ulit na pabulaanan ng ilang prestihiyosong eskuwelahan na nagkamit ito ng degree sa kanilang institusyon.

Tila lumala pa ang sitwasyon nang sabihin ni Imee na ‘di gaanong kahalaga ang edukasyon ng isang tumatakbong senador kumpara sa kahusayan nito.

Hirit naman ni Samira, nakakawala ng husay ang pagsisinungaling ng isang kandidato tungkol sa simpleng bagay gaya ng school records.

“But you lied, sis. You lied,” sabi ni Samira sa kaniyang Twitter account, sabay banggit ng kasabihang, “Honesty is the best policy.”

Kamakailan ay pinabulaanan ng Princeton University ang pagtatapos diumano dito ni Imee. To the rescue naman ang campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago na si Davao City Mayor Sara Duterte sa kandidato niya at idiniin na hindi mahalaga ang katapatan sa pagtakbo para sa senado.

Kaya naman inudyok ni Samira ang mga botante sa nalalapit na eleksyon na huwag iluklok sa puwesto ang mga korap st sinu­ngaling.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy