Una sa Balita

Gutoc: Baligtad man ang life vest tama naman ang paninindigan

0 389

SINAGOT ng Otso Diretso candidate na si Samira Gutoc ang mga panlalait kaugnay sa pagsusuot niya ng life vest nang tinangka nilang pumunta sa Scarborough Shoal upang ipahayag ang pagtutol sa banta na pananakop ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Samira, mas maha­laga na pag-usapan ang paninindigan para sa West Philippine Sea.

“Mali man po ang pagkakasuot ko ng life vest, hindi naman mali ang aking paninindigan,” diin ni Samira sa isang pahayag.

Aniya, “ang mahirap ay tama ang iyong suot pero ang kaluluwa, puso’t isipan ay naibenta na sa China.”

Binabatikos ang administrasyong Duterte sa tila pagsuko nito sa pagdiin ng karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryo nito laban sa Tsina. Ito ay sa kabila ng pangako ng Pangulo na siya ay sasakay ng jetski papuntang Spratly Island at magtatayo ng bandera ng Pilipinas doon.

Game din si Samira sa inaalok ng kapwa kandidato na si Bong Go na jetski tutorial—pero hinamon niya na gawin nila ito sa bandang Scarborough Shoal o sa Kalayaan Island.

“Call ako dyan, and I truly appreciate his offer.

Pero gawin ang tutorial sa Scarborough mismo or sa Kalayaan Island… Kahit alalay niya lang ako, siya ang bida, payag ako,” pabiro niyang sinabi.

Bukod kay Gutoc, tumungo rin sa Masinloc ang iba pang kandidato ng Otso Diretso na sina Magdalo Congressman Gary Alejano, dating Solicitor General Pilo Hilbay, at human rights lawyer na si Chel Diokno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy