Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gutierrez fam ‘di iniwan sa ere si Pacman

0 121

Ang pamilya ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ay magkakasama na sa bahay nila sa Quezon City bago pa mag-lunch kahapon.

Sabay-sabay raw silang boboto.

Nang makausap namin si Tita Annabelle habang nagde-deadline, sinabi niyang, “Magkakasama na kami. Magla-lunch kami ngayon at after kami boboto.

“Hinihintay lang namin si Ruffa dahil may work pa siya. Nasa ‘It’s Showtime’ pa siya at after pupunta na siya kaagad dito para makaboto na kami.”

Si Richard Gutierrez nga raw at ang pamilya nito ay nandoon na.

Importante ang pagboto sa pamilya Gutierrez at alam naman natin kung para kanino sila.

Wala nga raw iwanan para sa kanilang family friend.

Bongga!

Ogie, Regine sabay bumoto

Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang ilan sa mga naunang mga celebrity na nag-post sa social media ng tungkol sa kanilang pagboto.

Parehong naka-white shirts ang mag-asawa nang bomoto sila.

Maaga pa lang ay magka-Viber chat na kami ni Ogie. Bandang 9:05am ay nabanggit ng singer-songwriter na nasa presinto na sila ng kanyang misis para bomoto.

Kailangan din talagang maagang bomoto ng mag-asawa dahil live pa rin si Ogie kahapon sa ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN.

Jed maagang pumila

Ang Kapamilya singer na si Jed Madela, hindi rin nagpahuli sa pagboto.

Taga-Las Piñas si Jed at 6:30am pa lang ay nasa presinto na siya.

“I got there ng 6:30am,” sabi niya at nang tanungin ko kung madali lang ba siyang natapos, ang sagot niya ay, “Oo, pero haba na rin ng pila kahit maaga ako. Hehehe.”

Masyado nga raw maagang nagpuntahan ang mga botante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.