Una sa Balita

Gustong tulungan ang kaibigan na depressed

By
0 996

Dear Dr. Holmes:

I attended your seminar today about life, love, lust. Because there were so many questions during the open forum, you told those who had no chance to ask, to just email or message you.

So here I am, I just want to learn more from you Here is my concern: I have a very close friend who is suffering from depression, I want to know how can I help him, and others suffering from depression. Thank you in advance, God bless always

MARCO

****

Dear Marco:

Maraming salamat sa sulat mo. Sa aking opiniyon, ang pinaka mahalagang malaman tungkol sa mga taong nakakaranas ng clinical depression ay na hindi nila sinadya na magkaroon nito.

Hindi lang sila ‘drama queen’ or ‘drama king’ na nagkukunwaring malungkot na malungkot sila at walang pag-asa sa buhay. Totoo nilang nararamdaman ito.

Ito ay isang sakit.Kung mapagtanto ito ng mga nagmamahal sa kaniya sa buhay — o, mas maigi pa sana — ng kaniyang sarili, mas mabuti yun dahil makakahanap siyang lunas para sa sakit na ito.

Sana nga mangyari yun — maghanap ang kaibigan mo ng lunas para sa depression niya, dahil ang depression ay isa sa pinakamabilis na mental disorder na magagamot.

Minsan, nahihiya o natatakot ang taong marinig na mayroon silang clinical depression, at na ito ay isang mental disorder (sakit sa damdamin at isip, at hindi sakit sa katawan).

Kaya inaasahan ko, dearest Marco, na hindi mo iiwasan o tutuksuhin ang iyong kaibigan na may clinical depression. Habang siya ay may sakit na ito, kailangan niya ng lahat ng supporting mabibigay mo sa kaniya.

Wala ikahihiyan ang magkaroon ng depression. Una, hindi ito kasalanan ng kahit sino, lalo na ang taong na-dedepress. Hindi niya ito hinanap, ginusto, o inimbita. Maraming dahilan na maaaring madatnan ang isang tao ng clinical depression pero ang pinakapangkaraniwang mga dahilan ay:

1. namana nila ang vulnerability rito sa mga magulang o ibang mga kamag anak nila (sa dugo);

2. mayroong mga nangyaring napakasakit na ang resulta ay clinical depression; at, huli.

3. Kombinasyon ng pagmana (inherited) at nangyari (environment).

Ang ibig sabihin ng ‘namana ito’ ay na mayroong kahinaan pagdating sa paglaban ng depression. Uulitin ko: Hindi ibig sabiin ginusto nila ito kaya lang, para sa mga taong namana ang kahinaan sa depression, mas madali nilang makuha ito kaysa sa ibang tao, kahit na pareho ang nangyari sa kanila.

TO BE CONTINUED

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan sa Twitter: 

http://twitter.com/drmargieholmes at sana

Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/dr­margieholmes