Una sa Balita

Gustong tulungan ang kaibigan na depressed (2)

By
0 1,013

DEAR Dra. Holmes:

I attended your seminar today about life, love, lust. Because there were so many questions during the open forum, you told those who had no chance to ask, to just email or message you. So here I am.

I just want to learn more from you. Here is my concern: I have a very close friend who is sufferin­g from depression­, I want to know how can I help him, and others s­uffering from depression. Thank you in advance, God bless always.
—Marco

Dear Marco:
Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish noong nakaraang Martes, Abril 23, 2018. Sa kolum na ‘yun, sinabi ko na isang bahagi ng depression para sa iilang mga tao, ito ay “namamana.” Ibig sabihin nu’n ay: kunwari, 2 tao, si Ricky at si Joey ay nagtrabahong OFW sa Amerika. Halos pareho ang kahirapan at kalungkutan sa buhay nila noong umpisa. Si Ricky ay na-depress, dahil namana niya ang kahinaan ng iilan sa pamilya niya na may tendency (ugali?) na ma-depress kapag mahirap ang buhay.

Kahit na ang pamilya ng isang tao ay may kahinaan na ma-depress, hindi ibig sabihin na lahat na galing sa pamil­yang ito ay ma-de-dep­ress. Ang kahinaan sa depression ay hindi napapasa sa bawat miyembro ng pamilya.

Si Joey naman, kahit halos pareho ang namana nila, ay hindi na depress dahil wala siyang namanang kahinaan sa pamilya niya. Kadalasan, kung ma-depress man si Joey, ‘yan ay dahil mas grabe ang kaniyang naranas na sama ng loob o mahihirap na okasyon sa buhay.

Ano ang pinakamai­ging “gamot” para sa depression: medication (lalo na ang antidepressants) at psychotherapy (makipag-appointment sa isang propesyonal na makakatulong sa iyo dahil eksperto siya sa depression).

Ang hindi alam ng karamihan sa atin ay, makakatulong rin ang paglipas ng oras (time).

Tama. Mawawala rin ang depression mo kahit hindi ka uminom ng gamot o hindi ka pumunta sa psychotherapist. ‘Yan ay dahil ang depression ay nawawala rin. Kaya lang, kung hindi ka uminom ng gamot o magpatingin sa psychiatrist o sikolohista, matagal bago mawala ang depression mo.

Sayang naman, ‘di ba, kung mayroon kang magagawa sana para mawala ang depression na mas mabilis, pero ayaw moong gawin eithe­r dahil nahihiya o natatakot ka? FINAL INSTALLMENT SATURDAY

***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan sa Twitter at sana sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/dr­margieholmes