Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gustong malaman ang dahilan ng hiwalayan

0 104

Gusto ko ring malaman ang kahulugan ng mga panaginip ko. ‘Yung una, nakikipag-usap daw ako sa kapitbahay namin at nagtatawanan kami, hindi ko na maalala kung ano ‘yung pinag-uusapan namin pero natutuwa ako kasi sa tunay na buhay, medyo matagal na simula nung huli kaming mag-usap. Pangalawa naman, may isang babae daw na bumati sa akin kahit na hindi naman kami close at hindi ko siya kilala. At huli ay pumunta daw ako sa bahay ng ex-boyfriend ko kahit matagal na kaming hiwaly. Ano kayang ibig sabihin ng mga ‘to? Salamat.

  • Rhea

Hatiin natin sa tatlong bahagi ang paghimay sa iyong panaginip. Ang unang simbolo ay ang pakikipag-usap mo sa iyong kapitbahay na may role din sa ating buhay.

Madalas itong mangahulugan na may paparating na pagbabago sa ating buhay. Kahit pa muli kayong bumalik sa dati ninyong samahan, hindi nito sinasabi na matutupad din ito sa waking life, unless may gawin kang paraan.

Ang nais nitong ipahiwatig ay ang pagkakaroon ng improvement sa iyong relationship lalo na sa romantic aspect o friendship.

Sa pangalawa namang bahagi ng panaginip mo, sinasabi nito na kailangan mong maging mapagmatyag at maiangat dahil parating ang problema. Nagiging babala ito upang makapaghanda ka na sa mga pwede mong gawing solusyon.

Kung kabaligtaran naman ang nangyari at kaibigan o kamag-anak mo ang bumati sa iyo, indikasyon naman ito na magiging smooth ang iyong career at pati na rin ang buhay mo sa mga susunod na araw.

Kapag may ibang tao naman na nagsabi sa iyo ng hello, nangangahulugan ito na may abilidad kang maging isang lider sa iiyong career. Halos lahat ng iyong desisyon tungkol sa trabaho ay inirerespeto at kinikilala ng ibang tao, kaya naman mas may chance ka na magtagumpay.

Ang huli namang panaginip na sinabi mo ay nagsasabi na gusto mong mapasok ang isipan ng iyong ex. Baka may tanong na hindi mo pa nakukuha ang kasagutan. Maaaring tungkol ito sa mga hindi mo maisip na dahilan kung bakit kayo humantong sa hiwalayan.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.