Una sa Balita

Gustong makipag-sex sa iba si misis

By
0 2,729

Dear Dra Holmes:

Hi gud morning Dr Margarita Holmes… gusto ko lng po sana humingi ng sagot sa tanong ko sa sarili ko, kung tama b o mali ang nagagawa ko at kung may sakit b ako.

Isa po akong seaman so ldr relationship po kami ni misis madalas, so pag gusto ko po mag masturbate at kausap ko si misis nagpapakwento po ako ng mga nangyari sa kanila ng mga X boyfriend nya kagaya po ng sex ano gnawa sa kanya paano nangyari dun n po ako umpisang malibugan.

At ngayon po gusto ko po xa makipag sex uli sa ibang guy pra lang may makwento uli xa na bago sa akin.. may sakit po ba ako doc nag aalala n po kc aq sa asawa ko kung gusto nya ba mga gnagawa ko. Yun lng po sana po masagot nyo po ang message ko sa inyo at salamat po LUIS

***

Dear Luis:

Maraming salamat sa sulat mo at sa iyong pag-alala sa mga damdamin ng asawa mo. Bihira ang mga lala­king sumusulat sa akin na may pag-alalang para sa asawa na ka­sing maselan (sensitive) ka­tulad mo. Magandang saloobin yan.

Ngayon, sa mga tanong mo:

1. Hindi mali ang ginagawa mo, basta payag si misis at hindi lamang napwe-pwersa at hindi agrabyado sa iyong hiling;

2. Wala kang sakit basta wala sa inyong 2 ay na-aagrabyado rito;

3. Tungkol naman sa iyong bagong hinihingi sa kaniya ay ‘makipagsex uli sa ibang guy para lang may makuwento uli siya na bago sa akin’ Iba ang makipagkuwento sa mga nangyari na at gumawa ng bago para bago naman ang makukuwento niya sa iyo.

Iba ang makipagkuwento sa mga nangyari na at gumawa ng bago para bago naman ang makukuwento niya sa iyo. Ang mga posibleng nangyayari kung ipagpatuloy niya ang una ay pangsakaluku­yang ninyong ginagawa (na hanggang ngayon ay tila naman walang masamang epekto) ay okay naman.

Ang hindi pa ninyo ginagawa ay maa­ring posible rin na ang mga reaksyon ninyong 2 sa kaniyang pagsisi­ping sa ibang lalake ay pareho ng dati o may bagong kontribusyon ito sa inyong relasyon. Walang garantisado na walang ibang mangyayari kung hindi mo lang siya bigyan ng permiso makipagsiping sa iba, pero ngayon ay hinihikum (encourage) mo pa! TO BE CONTINUED

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan sa Twitter:
http://twitter.com/drmargieholmes at sana, Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes