Una sa Balita

Gustong makipag-sex sa iba si misis (2)

By
0 1,950

DEAR Dra. Holmes: (shortened April 19 lette­r)

Hi good morning Dra. Margarita Holmes… gusto ko lang po sana humingi ng sagot sa tanong ko sa sarili ko, kung tama ba o mali ang nagagawa ko at kung may sakit ba ako.

Isa po akong seaman so LDR relationship po kami ni misis madalas, so ‘pag gusto ko po mag-masturbate at kausap ko si misis nagpapakuwento po ako ng mga nangyari sa kanila ng mga ex-boyfriend niya kagaya po ng sex ano ginawa sa kanya paano nangyari dun na po ako umpisang malibugan.

At ngayon po gusto ko po siya makipag-sex uli sa ibang guy para lang may makuwento uli siya na bago sa akin. May sakit po ba ako doc nag-aalala na po kasi ako sa asawa ko kung gusto niya ba mga ginagawa ko.

‘Yun lang po sana po masagot niyo po ang message ko sa inyo at salamat po.

— LUIS

Dear Luis:

Maraming salamat sa sulat mo at sa iyong pagalala sa mga damdamin ng asawa mo na una nating pinublish noong nakaraang Martes, April 17. Doon sinagot ko ang iilang mga tanong mo, at nasa ikatlong tanong na naubusan ako ng espasyo. Ang iyong ikatlong ta­nong ay:

“Okay po ba na ma­kipag-sex uli siya sa ibang guy para lang may makuwento uli siya na bago sa akin?” Sinabi ko na, iba ang ikuwento ang mga nangyari na at gumawa ng bago para bago naman ang makukuwento niya sa iyo.

Ang mga posibleng nangyayari kung ipagpatuloy niya ang una ay pangsakalukuyang ninyong ginagawa (na hanggang ngayon ay tila naman walang masamang epekto) ay okay.

Ang hindi pa ninyo ginagawa ay maaaring ok rin, pero baka may hindi magandang mangyari sa kaniyang pagsisiping sa ibang lalake ngayon. ‘Yung nangyari noon ay wala na kayong magagawa at posible rin na hindi pa kayo magkakilala. 

Pero ngayon, hindi lamang siya ma­kikipagsiping sa iba, nga­yon ay hinihimuk mo pa siyang gawin ito! Bihira ang misis na hindi mag-aalala sa iyong bagong hiling.

Hindi ibig sabihin na hindi sasang-ayon ang misis mo. Hindi kahit ibig sabihin na magagalit o masasaktan siya sa gusto mong gawin niya. TO BE CONTINUED

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan sa Twitter at sana sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes