Una sa Balita

Gustong magsangla sa bangko

0 422

Dear Atty. Claire,

Magandang umaga po Atty.,

Ako po si Marlyn. Ask ko lang po… naawa ako sa friend ko iyak nang iyak kasi ang father niya may stage 4 cancer at meron silang 1,200 sq. meter na house and lot at palayan.

Gusto niyang isangla para pantustos sa father niya, paano po ‘yon dahil hindi nakapangalan sa kanya ang titulo.

Ano po gagawin niya para puwede niyang maisangla ang titulo sa bangko.

Nag-iisa lang siyang anak. Mother niya ay 70 years old na at ang father niya ay 72 na… hindi niya alam kung anong gagawin, natatakot siya lumapit sa abogado kasi naloko na siya ng abogado noon. ‘Yong property po sa Ilocos Sur… puwede po ba dito isangla

Atty. please po give naman advice para sa kanya. Salamat sa help mo sa lahat ng tao… Si Lord na bahala magbalik ng lahat sa inyo.

Gumagalang
Marlyn

Ms. Marlyn,

‘Pag nagsangla sa bangko ay siguradong maraming requirements na dapat na kumpletuhin kaya’t hindi biro ang pakikipagtransaksyon sa bangko.

Related Posts

Dahil buhay pa ang mga magulang mo sila ang may karapatan na ibenta ito o isangla.

Ngunit ikaw naman ay maaaring mabigyan ng karapatan na makipag-usap at pumasok sa kasunduan ng sanglaan basta’t ikaw ay nabigyan ng mga may-ari ng ari-arian ng Special Power of Attorney na magsangla.

Kapag ikaw ay may sapat ng dokumento tungkol dito ay maaari ka nang mag-apply ng loan na may Real Estate Mortgage na kasama.

Tandaan na hindi rito natatapos ang usapan dahil ang bangko ay magkakaroon ng pagsusuri tungkol sa ligalidad ng titulo at ng SPA mo.

Susuriin din ang inyong kapasidad na magbayad ng utang pati na ang ari-arian upang matiyak kung makakabayad kayo at kung hindi man ay kung hindi ba sila malulugi sa value ng ari-arian kung sakali mang hindi kayo makakabayad.

Ang lugar kung saan isasangla ang ari-arian ay hindi naman isyu sa ligalidad ng kasunduang sanglaan. Kahit taga-Maynila ang tatanggap ng sangla ay walang problema.

Kaya’t puwede sa Ilocos Sur o kahit saang parte ng Pilipinas ang kasunduang gagawin.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lang sa 8410-7624 o 8922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More