Una sa Balita

Gustong mag-Gilas pero Clarkson ayaw magpraktis

0 731

KUNG si Jordan Clarkson ang masusunod, gustong-gusto niyang maglaro para sa Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Pero ni isang praktis, hindi siya nakadalo.

“Malabo na siya makalaro dahil wala pa rin anuman na reply ang FIBA kung puwede siya makapaglaro as local,” sabi ni Guiao, na unang isinama ang pangalan ni Clarkson sa pool of players­ na pagpipilian para sa World Cup.

Hindi din nakasama maski isang beses ng binuong pambansang koponan ang kasalukuyang Cleveland Cavaliers point guard na si Clarkson bilang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Gayunman, hindi na umaasa si Guiao na papayagan ito makapag­laro ng FIBA sa torneo habang inaasahan din na kailangan pa humingi muli ng permiso mula sa NBA at sa mother club na Cleveland Cavaliers para palaruin nito si Clarkson.

Matatandaan na huling­ minuto ng bigyan­ ng NBA ng permiso na makalaro si Clarkson para sa Pilipinas noong 2018 Asian Games sa Indonesia.

Ilang beses din na nagpunta si Clarkson sa bansa upang makipag-ensayo sa mga manlalaro ng Gilas Pilipinas bago sumabak ang koponan sa unang window ng World Cup at tuluyang nakapag­laro para sa koponan sa Asian Games.

Sisimulan ng Gilas ang torneo sa pagsabak sa Italy bago sunod na harapin ang paborito magkamedalya na Serbia sa Setyembre 2. Huling makakatapat ng Pilipinas sa group stages sa Setyembre 4 ang Angola. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More