Una sa Balita

Gustong balikan ang unang gf

By
0 2,638

Dear Dra Holmes:

Ask ko lng po: Me nk relasyon po ko ng patago 13”years ago ng iniwan ko sy pero 10”years po kmi lesbian po ako.. I pinagplit ko po sy sa me asawa at Mas me age s knya
Ng hiwalay po kmi ng Mtanda at me isa p po ko nksam 4years po kmi at bgo po ko punt dto s dubai Nag hiwalay din po kmi.

At nag k gf po ako ng bata dto s dubai pero at this moment po hiwalay n kmi Gusto ko po blikan yun una gf ko Me pag asa p po b after 13years eh mpnsin ny ko Single po sy at 57 years old npo ako po ay 45. Since po ng mghiwalay kmi wala po sy p nk relasyon Riza

Dear Riza:

Maraming salmat sa sulat mo. Ayon sa mga detalyeng binigay mo sa sulat mo, wala akong duda na may pag-asa ka sa dating girlfriend mo na 10 years kayo nagsama, 13 years ago. Tawagin kaya natin siya ng Luisa, para hindi tayo malito, ok?

Yan ay dahil, para sa kaniya, ang mga relasyon ay hindi niya tinuturing na hindi ‘easy come, easy go,’

Tila nakakaiba siya sa iyong mga karanasan. Sana hindi mo isipin na hinuhusgahan kita. Pero kung tingnan mo ang karanasan mo sa 10 years na naghiwalay kayo ni Luisa, mayroon kang 3 relasyon na sumunod rito.

Malamang masya­do akong malupit sa paglarawan ng iyong mga relasyon na ‘easy come, easy go.’ Nagtagal ang isa sa tatlo relasyon mo ng 4 na taon, at ang relasyon mo okay Luisa ay nagtagal ng 10 na taon.

Hindi ko alam kung gaano ang agwat ng panahon sa pagitan ng pagtapos ng isang relasyon at susunod doon, pero palagay ko, halos walang agwat. Ang unang gf mo pagkatapos ni Luisa ay ganun, diba? SO…pa­lagay ko hindi ka nga easy come, easy go, pero malamang ‘easier come, easier go’ kung ikumpara ka naming kay Luisa.

Ok lang yan; Keri lang.

At least, keri mo yan at keri rin sa mga nanonood o nagko-komento sa iyong mga relasyon. Pero…papaano naman si Luisa? TO BE CONTINUED

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes AT sana

Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes