Una sa Balita

Gustong balikan ang unang gf (3)

By
0 764

Dear Dra Holmes: (continuation of answer to this letter)

Me nk relasyon po ko ng patago 13”years ago ng iniwan ko sy pero 10”years po kmi lesbian po ako.. Ipinagplit ko po sy sa me asawa at Mas me age s knya

Ng hiwalay po kmi ng Mtanda at me isa p po ko nksam 4years po kmi at bgo po ko punt dto s Dubai, Nag hiwalay din po kmi.

At nag k gf po ako ng bata dto s dubai pero at this moment po hiwalay n kmi

Gusto ko po blikan yun una gf ko

Me pag asa p po b after 13years eh mpnsin ny ko

Single po sy at 57 years old npo ako po ay 45. Since po ng mghiwalay kmi wala po sy p nk relasyon
Riza

***

Dear Riza:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish noong nakaraang Martes. Abril 10, 2018. Sa huling kolum natin noong nakaraang Huwebes, Abril 12, sinabi ko na

Na mas madali para sa iyo makalampas (to get over) sa kahit anong kalungkutan o sama ng loob at pagkakawalang taros (desperation) sa mga relasyon mo na natapos na. Sa katotohanan lang, kadalasan, tila ikaw pa nga ang naghihiwalay sa mga partner mo at hindi hinihiwalayan. Hindi ganyan ang girlfriend mo.

At dahil dito — dahil malamang ikaw ang nananakit (you hurt your partner) kaysa sa nasasaktan (instead of being hurt by them) wala kang pag-aalinlangan o takot mag-umpisa ng bagong relasyon.

Kaya, hindi ka humingi ng payo. Ang hiningi mo sa akin, bilang sikolohista ay ano ang probabilidad na tatanggapin ka pa niya kung gusto mong bumalik sa kaniya. Palagay ko, papayag siya dahil mahal ka pa niya at marunong kang manligaw.

Ang gusto ko sana ay magtanong rin saiyo, Riza. Seryoso ka na ba talaga sa dating girlfriend mo. Kasi maniniwala siya sa iyo naseryoso ka — siya ba ang unang gf na binalikan mo?

Sana ligawan mo lang siya kung palagay mo seryoso ka. Sana ligawan mo siya kung gagawin mo ang lahat para hindi kayo maghiwalay. Sana hindi ka maging kasing ‘easy come, easy go,’ kagaya nang sa dati mong mga girlfriend?

Dahil ang kalungkutan na naranasan niya noon ay isang daliri lang sa kalungkutan na mararanasan niya kung tanggapin ka niya at maghihiwalay kayo ngayon. Sana alagaan mo siya, kagaya ng pag-alaga mo sa sarili mong mental health.

Mahalaga rin ang kagandahang-loob sa iyo ng minamahal sa buhay, diba dearest Riza? Ingat ­— MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan sa Twitter: 

http://twitter.com/drmargieholmes at sana Sulatan at i-LIKE siyasa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes