Una sa Balita

Gustong balikan ang unang gf (2)

By
0 902

Dear Dra Holmes: (continuation of answer to this letter)

Ask ko lng po:

Me nk relasyon po ko ng patago 13”years ago ng iniwan ko sy pero 10” years po kmi lesbian po ako.. I pinagplit ko po sy sa me asawa at Mas me age s knya

Ng hiwalay po kmi ng Mtanda at me isa p po ko nksam 4years po kmi at bgo po ko punt dto s dubai. Nag hiwalay din po kmi.

At nag k gf po ako ng bata dto s dubai pero at this moment po hiwalay n kmi. Gusto ko po blikan yun una gf ko
Me pag asa p po b after 13years eh mpnsin ny ko.

Single po sy at 57 years old npo ako po ay 45. Since po ng mghiwalay kmi wala po sy p nk relasyon 

Riza

***

Dear Riza:

Maraming sala­mat sa sulat mo na una nating pinublish noong nakaraang Martes. Abril 10, 2018. Doon, sinabi ko na para sa iyo, at lalo na kung ikumpara natin ikaw ang mga relasyon ay mas madaling makamit, at mas madaling matapos rin. 

Para kay Luisa (na pinangalan natin ang girlfriend mo na gusto mong balikan) mas mahirap para sa kaniya maghanap ng bago. Kung tutuusin, hindi lang mas mahirap (ng konti) pero tila hirap na hirap siyang makahanap ng bagong girlfriend pagkatapos mo.

Maaaring maraming nanligaw sa kaniya pero hindi ka pa niya makalimutan, kaya hindi siya nangako (commit) sa iba sa larangan ng pagibig. Maaari ring nanligaw siyasa iba at na-busted siya o wala siyang ganang manligaw sa kahit kanino pagkatapos mo.

Pero anuman ang situwasyon niya, hindi natin maiwasan mahalata na mas marami kang mga girlfriend kaysa sa kaniya pagkatapos kayong maghiwalay.

Ano ang makukuha natin sa impormasyon na ito? Na mas madali para sa iyo makalampas (to get over) sa kahit anong kalungkutan o sama ng loob at pagkakawalang taros (desperation) sa mga relasyon mo na natapos na. 

Sa katotoha­nan lang, kadalasan, tila ikaw pa nga ang naghihiwalay sa mga partner mo at hindi hinihiwalayan.

At dahil dito — dahil malamang ikaw ang nananakit (you hurt your partner) kaysa sa nasasaktan (instead of being hurt by them) wala kang pag-aalinlangan o takot mag-umpisa ng bagong relasyon. 

FINAL INS­TALLMENT SATURDAY

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes at sana

Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes