Una sa Balita

Gusto pang mag-ampon: Claudine nang-aliw ng mga bata sa Cribs

By
0 632

Puring-puri si Claudine Barretto ng mga follower niya dahil sa walang tigil na pagsuporta niya sa mga bata na inabandona ng kanilang mga magulang.

Well, alam naman ng lahat na bukod sa anak niyang si Santino (kay Raymart Santiago), may dalawang
bata pa na inalagaan si Claudine.

Heto nga ang post ni Claudine:
“Passed by Cribs today in their nee home. I can still remember when I was a Volunteer for DSWD & CRIBS. Today I wanted to remind my children how blessed they are to share their blessings with these Angels if I had all the money in the world I would Adopt all of these kids & more. It was a wonderful day, seeing the same people that I’ve worked with at Cribs back in the day. Bilib ako sa mga social workers & Volunteers who’s given their luv & service all these Years. Thank u Dear Lord for this day. I pray that my children & I made these Angels happy.”

Sabi nga ni barneymarley2: “May Sabina at Q kna Ms. Claude pwede pa dagdagan.”
Meaning, mag-a-adopt pa ba si Claudine?

“@barneymarley2 kung pwede pa sana. Pag may dumating di ko matatangihan,” sagot ni Claudine.

Well, napakasuwerte nga ng mga bata na inaalagaan ni Claudine, dahil walang duda na maasikaso talaga siya sa mga mahal niya sa buhay. ‘Di ba nga, puring-puri siya ng sarili niyang ina, dahil sobrang maasikaso nga raw ito sa kanila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy