Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gusto mo bang umibig?

0 209

Tamang-tama, malapit na ang Araw ng mga Puso.

Hindi masyadong nababanggit na ang ating bansa ay naitatag dahil sa dalumat ng pag-ibig. Ayon kay José Rizal, ang pag-ibig ang pinakamakapangyarihang tagapangbunsod ng mga gawang lalong magiting. Pero sa lahat daw ng uri ng pag-ibig, ang pag-ibig sa Inang Bayan ay nakalikha ng mga gawang lalong dakila, lalong magiting at lalong walang halong pag-iimbot.

Sinang-ayunan ito ni Andres Bonifacio na nagsabi, “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa, along pag-ibig pa wala na nga wala?” Sa katunayan kahit na himagsikan ang huling layunin ng Katipunang kanyang itinatag, sinasabi ng kanilang Kartilya na isinulat ni Emilio Jacinto, “Dito’y isa sa mga kauna-unahang utos ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.”

Ngunit ano ba itong pag-ibig sa Inang Bayan na ito? Sa kanyang Dekalogo, ipinaalala ni Pangulong Andres Bonifacio, “Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso. Gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pag ibig sa lupang tinubuan, sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa.

Ito ang mga dokumentong humubog sa pangarap na pagkabansa ng mga bayaning nagtatag sa atin.

Samakatuwid ang pag-ibig sa bayan ay ang pagturing sa kapwa sa kung ano ang karapat-dapat sa kanya bilang tao.

Ang pangarap na ito ay sinikap na itaga sa batas ng mga bumuo ng ating Republika, ang mga humubog at sumulat ng ating mga Saligang Batas: Mula sa Saligang Batas ng Malolos, at mga Konstitusyon ng 1935, 1943, at 1973.

Related Posts

Damayan tayo

Kampi sa China?

‘Tubig is life’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit, may mga pagkakataon sa ating kasaysayan na sumubok sa ating pakikipagkapwa-tao subalit nakibaka tayo laban sa pang-aapi gamit na sandata ang pag-ibig sa bayan at kapwa.

Kaya naman upang mas matibay na maprotektahan ang mga karapat-dapat para sa ating bilang tao, hinubog ng mga abogado at mga ordinaryong tao mula sa iba’t ibang sektor ang isang Saligang Batas na kumumpirma sa Kapangyarihang Bayan at ito ay inaprubahan ng 77.04 % o mayorya ng mga bumoto 2 Pebrero 1987.

Nakapaloob dito ang ating bagong Kartilya, ang Artikulo Tres, Katipunan ng mga Karapatan, na naglalaman ng kung paano ba natin iibigin ang ating kapwa. Maging ang malayang komisyon na mangangalaga nito, ang Komisyon sa Karapatang Pantao.

Ito rin lamang ang Saligang Batas sa daigdig na nakalagay ang salitang “Pag-ibig.”

Ngunit ang Saligang Batas ay isa lamang kapirasong papel, mabubuhay lamang ang diwa nito sa bawat pagkakataong itinuturing natin ng dapat ang ating kapwa. Dahil ang paggalang natin Karapatang Pantao ng iba ay pag-ibig sa bayan.

Gusto mo bang umibig? Halika, sabay tayo.

Ang Pebrero Dos ay Araw ng ating Saligang Batas.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.