Una sa Balita

Gusto kong makita si Tabal

0 238

Gusto kong makita si Tabal
SPORTS YANG
Yang Mallare

Hi YANGsters! Kamusta kayo?
Naisip kong ma­ging topic ng ating kolum ngayong Linggo ay si 1st Pinay Marathon Olympian Mary Joy Tabal.

Actually, ilang ulit ko nang nakita at na-interview si Tabal, at masasabi kong mayroon akong hindi mali­limutang kuwento tungkol sa kanya.
Two years ago, nag-cover kami ng 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa tulong ng People’s Television Network (PTV4).

Ang tanda ko, marathon ang first event ng Team Philippines na alas-sais nang umaga ang simula.

Since first SEA Games coverage ko ‘yun, siyempre pabibo ako noon. Kasama kong cameraman si Pidol, hindi niya tunay na pangalan, charot! Hahaha.
To make the story short, that SEA Games coverage­ became more memorable when Tabal bagged the first gold medal of the Team Philippines from women’s marathon event of the 2017 SEA Games.

That goose bumps though. ‘Yun kasi ‘yung first time na nakita kong itinataas ang Philippine flag sa ibang bansa at kinakanta ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Nakakakilabot! Nakaka-proud.

Kaya naman sa pagbubukas ng 30th SEA Games na gaganapin sa Pilipinas mula November 30 hanggang December 11, gusto kong makita ulit si Tabal na iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.

Kung babalikan natin ang kanyang preparasyon sa mga nakalipas na buwan: training camp sa Japan, recent campaign sa Ottawa Marathon sa Canada, naniniwala akong swak na swak lang ang paghahanda ni Tabal para sa SEAG.
Ilan pa sa mga nakalinyang races sa kanya ay ang Milo Marathon kung saan siya ang reigning women’s champion in six straight years, bukod pa sa pagsabak sa half-marathon race sa Thailand na gaganapin ngayong buwan.
Good luck Tabal! Mabuhay ka!

***
Sa may mga suhestiyon sa mga future topic natin, maaari ninyo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com or i-follow ako sa aking Twitter accout: @ariannemallare.
Hanggang sa susunod nating isyu, YANGsters!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy