Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gusot sa Ukraine ikinaalarma ni Pope Francis

0 160

Maging si Pope Francis ay naalarma na rin sa nangyayaring guli sa Ukraine

Dahil sa mainit na sitwasyon ay pinangunahan ng Santo Papa ang pagdarasal para sa ikapapayapa sa nasabing bansa.

Pinaramdam nito ang kanyang pagkaabahala sa lingguhang Angelus prayer sa St. Peters’ Square sa Vatican, kasabay nito ay hinirit nito sa mga namumuno sa Ukraine na unahin ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.

Magugunitang kamakailan lang ay nanawagan na rin ang Santo Papa sa sambayanan ng dasal para maawat ang Russia sa tangka nilang paglubsob.

Napag-alaman na nagposte umano ng 100,000 mga sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.